Chapter 22

50.2K 1.5K 123
                                    

Magda-dalawang oras na akong nandito sa kwarto ni Rocco. Tinutulungan siya sa project niya. At gaya nga ng sabi niya, tumulong naman siya. Pero sinabi kong ako na lang at asikasuhin niya na iyong mga graph niyang hindi pa nasasagutan ang iilan. Naka-salampak kaming dalawa ngayon sa malaking study table niya. Hindi naman kami magkatabi, nasa tapat ko lang siya pero minsan ay nagbu-bungguan ang mga ulo namin.

Halos mapuno ko na ng designs ang folder niya. Tinanong ko nga siya kung okay lang ba iyon. Tumango naman siya.

Habang idinidikit ko ang isang palamuti sa folder ay sinulyapan ko siya.

Seryoso siyang naguguhit ng kung ano. Magkasalubong ang mga kilay at paminsan-minsang kinakagat ang ibabang labi. Gwapo talaga si Rocco. Sobra. Kaya hindi na ako magtataka pa kung marami nang nahulog sakaniya. Hindi ko rin masisisi si Megan kung ganun na lang siya maka-lingkis kay Rocco. At kung bakit nagawa niya ang malaswang bagay na iyon.

Mapait akong napa-ngiti. Sa loob ng ilang taon, napa-gtanto kong tama nga ang sinabi ni Shai. Crush ko siya. Noon pa. Noon pa kahit na palagi niya akong ginagawan ng masama. Kahit lagi niya akong inaasar. Siguro pa nga, eh, iyon ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.

Pero itong nararamdaman ko ay hindi na kailangan pang malaman niya. Dapat ko na lang itong itago. At kung maaari, pigilan. Dahil masasaktan lang ako sa huli. Hindi naman sa sinasabi kong hindi ako nasasaktan ngayon...

Kasi kahit kailan, kahit malaman niya man ang nararamdaman ko sakaniya, alam kong hindi niya ako mamahalin pabalik. Kasi nga bakla ako. Hindi ako babae. Hindi ako ang tipo niya. Ganun naman talaga ang mga kagaya ko,  'di ba? Minsan, mas pinipili nating itago na lang. Kasi takot tayong masaktan... takot tayong mapahiya.

Iisipin ko na lang na ma-swerte pa rin ako kahit papaano. Dahil nakakasama ko siya araw-araw. Nakikita palagi. At nagkaka-lapit kami nang ganito. Mapait ulit akong napa-ngiti.

At iyong halik niya? Siguro ay paraan niya lang iyon ng pag-hingi ng tawad. Ayokong mag-assume. Mahirap na...

Nag-patuloy ako sa pagdi-dikit nang biglang may naalala. Tumikhim ako.

"A-ano nga palang sinabi mo kay Axel kanina?" Tanong ko. Napa-tigil naman  siya sa ginagawa at matalim akong tiningnan.

"Wala ka na dun." Mariin niyang sinabi. Napa-pikit ako.

"G-gusto ko lang naman malaman..."

"Amin na 'yon. Usapang lalaki 'yon, Dwayne." Sabi niya at nag-patuloy sa ginagawa.

"A-ayoko lang kasi ng gulo. Alam kong ayaw mo s-sakaniya." Nanginginig nang bahagya ang mga kamay ko habang idinidikit ang palamuti. Narinig ko ang mabigat niyang hininga.

"Buti alam mo." Tipid niyang sinabi.

Tinitigan ko siya. Seryoso pa rin siya sa ginagawa. Nakita kong masyadong mahigpit ang pagkaka-hawak niya sa pencil niya.

"Kaibigan ko pa rin siya, Rocco..." mahinahon kong sinabi. Sinulyapan niya lang ako saglit.

"Kahit iyon lang, huwag mo naman sanang ipag-bawal. Hindi ko naman na siya tuturuan kung iyon ang ikinagagalit mo." Patuloy ko. Padabog niyang binitawan ang pencil at humarap na ngayon sa 'kin.

"Hindi lang iyon, Dwayne!" Matigas niyang sabi. Naguluhan ako.

"Huh? Eh, a-ano pa?" Lito kong tanong. Inusog niya palapit ang silya niya sa 'kin. Napa-atras ako.

"Hindi mo ba alam? Tarantado 'yon! Bully! At rinig kong myembro pa ng isang gang!" Siwalat niya. Nanlaki ang mga mata ko. H-hindi! Hindi iyan totoo!

"Ano? Gusto mo pang makipag-kaibigan dun?" Tanong niya. Umiwas ako ng tingin.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon