Chapter 1 - Howell Group of Companies

17.1K 476 50
                                    

For employees of Howell Group of Companies, it was just an ordinary Monday morning. But for Glaiza Galura, it was a chance of a lifetime.

Pagpasok pa lang niya sa sliding glass door ng HGC Tower, kinakabahan na si Glaiza. She was intimidated by the modern edifice. The lobby was like a five-star hotel boasting its state-of-the-art lightings in the ceiling. There was a big chandellier in the middle and two smaller ones, each in the left and the right. The designs were simple but elegant. All were in silver, white and/or royal blue. Impressive, she thought.

Mula sa entrance door na kanyang kinatatayuan, nakita agad ni Glaiza ang information booth na nasa bandang kanan ng lobby. May dalawang babae na nakaupo roon na ang isa, sa tantiya niya ay nasa early thirties samantalang ang isa naman ay nasa mid-twenties. Sa bandang ulunan ng information booth ay may nakainstall na mga letters na gawa sa stainless steel plate. It reads HOWELL GROUP OF COMPANIES. Sa bandang ibaba nito ay ang company logo na gawa rin sa stainless steel plates subalit may combination na itong white at blue.

Glaiza composed herself. Pilit na pinalakas ang loob. Inhale-exhale. Lumapit siya sa information.

"Good morning! I am Glaiza Galura. I am here for an interview with Mr. Gareth Howell at 10:00 AM", nakangiti niyang bati sa mga ito.

Sabay na napatingin sa kanya ang dalawang babae sa information. Ang nakakabata ay agad bumawi ng tingin dahil kailangan niyang sumagot ng tawag sa telepono. Hinulaan ni Glaiza sa isip na ang mas bata ay telephone switchboard operator samantalang ang nakakatanda ay receptionist. Tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa ang nakakatanda bago nag-check sa computer para tingnan kung may appointment nga siya sa big boss ng company. Confident naman siya sa suot niya. She was wearing a light green top, covered with moss green blazer and pants. Her closed high heeled shoes and handbags are both black. A very simple corporate get-up. She's also wearing a slight make-up and lipstick. Just enough to enhance her natural beauty.

"I'm sorry Miss. But your name is not included in the list of Mr. Howell's visitors today".

Kinabahan si Glaiza. "Paano na ito? I want this job. I need this job" sabi niya sa sarili.

"But I received a call from her secretary...  ", may karugtong pa sana ang sasabin niya pero hindi na naituloy. Nagsalita ang nakakabata na nakaupo sa information, "I just received a call from Miss Ortaleza, the secretary of Mr. Howell. May tatlong candidates daw for final interview si Mr. Howell this morning. And yes, Miss Galura is one of them. Hindi raw niya na-update ang Calendy Apps last Friday dahil may official business daw siya out of the office. You can go  to the 20th floor at 9:45. Meanwhile, please be seated right there". Sabay turo nito sa lounge area na nasa bandang kaliwang bahagi ng lobby habang nakangiti. Binigyan siya ng visitor's ID ng nakakatanda.

Nakahinga ng maluwag si Glaiza. Ngumiti ulit siya sa receptionists at nagpasalamat.

Sa paglalakad niya patungo sa receiving area ng lobby, isinabit niya ang ID sa kaliwang bahagi ng collar. Habang nakatingin sa ID ay hindi niya napansin na may humahangos na isang babae. Kamuntik na silang magkabungguan nito. Naka dress ito ng grayish-cream, beige na two inches above the knee. May embroidery ito ng maliliit na flowers. Pinapatungan ito ng plain light-orange blazer. Ang high-heeled sandals nito na 4 inches ay gawa sa glass na may beige strap, covered with feather. Ang handbag naman nito ay beige din ang kulay. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya kaya agad siyang nakaiwas dito.

"I'm sorry" sabi nito. Nagtama ang kanilang mata. Iyon lang at mabilis nang naglakad muli ang babae patungo sa hallway ng elevator na malapit sa information booth. Sinundan niya ito ng tingin. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit may pumintig sa kanyang puso nung magtama ang kanilang mga mata.

Fly With MeWhere stories live. Discover now