Rhian was in Duane Reade to buy toiletries. Isa itong malaking pharmacy sa ground floor ng 200 Water Street sa Lower Manhattan na kinaroroonan din ng condominium unit ng mga Howell. Sa dami ng variety ng products sa loob nito kasama na ang mga canned goods, junk foods, chocolates, bread, biscuits aside from medical products ay mistula na rin itong supermarket. Katapat lang ito ng One Seaport Plaza na kinaroroonan naman ng US Office ng SamHwa.
Kapag ganitong weekdays ay office-bahay-gym lang ang routine ni Rhian. Kapag weekend naman ay lumalabas sila ng kanyang mommy. Minsan ay nanonood sila ng musical shows sa Broadway, nanonood ng sine o nagdi-dinner. Tulad ng pangako nito sa kanya, sumama ito pagbalik niya ng New York. But her mother will be back to Manila after a few months of bonding with her only daughter.
Habang itinutulak ang trolley at tumitingin pa ng ibang bibilhin, napadaan si Rhian sa Perfume Section ng Duane Reade. Tiningnan niya ang mga ito at sinubukan ang isa mga tester ng Prada Candy. It smells familiar. Hindi siya maaaring magkamali. Paano ba niya malilimutan ang matamis na halimuyak na iyon habang nakatalikod si Glaiza sa kanya samantalang tinitingnan nito ang katapat na isla ng Pamalican. Sa maigsing panahon ay ilang beses din niya ito nakaniig at nakabisado na niya ang amoy nito. Si Glaiza... hindi na yata niya ito makakalimutan... at nasasaktan pa rin siya kapag naaalala ito.
Nagpasya na lang siyang magtungo sa counter para magbayad ng mga pinamili. Mas mabuti pang umakyat na siya sa 21st floor kung saan naroroon ang unit nila. Hanggang dito sa New York... sinusundan pa rin siya ng mga alaala ni Glaiza.
Alam na ng mommy niya na break na sila ni Jerson. Inamin niya ito noong minsan na nagtanong ang kanyang butihing ina kung bakit hindi raw niya napapansin na namamasyal sila ng binata o dumadalaw ito sa condo unit nila. Hindi niya binigyan ng detalye ang ina kung bakit sila nagkahiwalay. Pero lingid sa kanya ay halos alam na ni Mrs. Howell ang dahilan. Naghihintay lamang ito ng confirmation mula sa kanya.
Kahit papaano ay nalilibang naman siya dahil maraming kwento ang kanyang ina. Tulad ngayon, tuwang tuwa ito sa pagbabalita dahil buntis na raw ang asawa ng kanyang kuya Jaime na si Nadine. Ten weeks pregnant na raw ito. Habang nasa New York si Mrs. Howell ay sa Alabang Hills muna umuuwi ang mag-asawa para may nakakausap naman daw ang padre-de-pamilya sa bahay kapag gabi. Tuwing weekend ay kausap din nila ang mga ito sa pamamagitan ng Skype.
It's been two months since she left Manila. Ang totoo ay nasa Pamalican Island pa siya dapat ngayon. Hindi pa tapos ang kanilang project doon. Pero buhat ng magkahiwalay sila ni Glaiza ay hindi na naging normal ang buhay niya doon. Bawat sulok ng casita, bawat tanawin sa loob at paligid ng island... lahat iyon ay nagpapaalala tungkol kay Glaiza. Hindi niya kayang tumagal pa roon ng hindi nasasaktan.
Umisip siya ng dahilan para payagan ng SamHwa management na makaalis na ng Pamalican Island. With her brilliant mind, nakaisip siya ng mga valid reasons. She wrote a letter to the Vice President for Overseas Project of SamHwa requesting for her transfer back to US. She is a US based employee pero nasasakop pa rin ng Head Quarter sa South Korea ang decision sa temporary assignment niya. She made some justifications to validate her request such as: 1) the project is too small to assign a Resident Engineer or Project Manager, 2) The project can be visited on a monthly basis by a hired engineer from HGC who is apparently has a lower salary than a US based engineer, 3) The Foreman can handle the project even without an engineer on site. 4) They can monitor the progress of the project by requiring the Foreman to submit a weekly report, 5) She will be more effective if she will be re-assigned as Project Planning Engineer back to US. Bottomline, mas makakatipid ang company kung ibabalik siya sa US without affecting the performance of their Amanpulo workers. And cost reduction on project will create an additional profit to the company. In a week time, na-approve ang kanyang request. Pinabalik siya ng management sa Lower Manhattan Office.
YOU ARE READING
Fly With Me
Fanfiction(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...