Chapter 14 - It's Complicated

6.7K 353 47
                                    

Habang magkayakap sila ay tumunog ang cellphone ni Rhian. Tinatamad siyang damputin ito dahil mas gusto niyang manatili sa pagkakayakap ni Glaiza. Sa wakas ay tumigil ang pagtunog ng telepono. Ngunit muli siyang nadismaya dahil muling tumunog ito.

"Sagutin mo na love. Baka importante ang call na 'yan".

Tinatamad siyang naupo para damputin ang cellphone. Ang mommy niya ang nasa caller ID.

"Yes mom?"

"Rhi, when are you coming home?"

"Later tonight mom. Why?"

"Can you make it earlier? Someone is here waiting for you".

"What?" Who else will surprise her? Her best friend, Bianca is busy nowadays. At hindi mahilig sa surprises si Bianca. She knows that it's Jerson.

"Do you mean, Jerson is here in the Philippines?" It's more of confirmation than a question.

"Yes Rhi. He's waiting for you now. You must be excited to see him too".

"Well, yeah", wala sa mood niyang sagot. Wala naman siyang pwedeng isagot kundi iyon.

They were planning to leave Punta Fuego at 6:00 PM. But it was cut short by an hour.

Pareho silang walang kibo habang nag-iimpake. Ayaw pa sana ni Rhian umalis. Gusto niyang manatili pa sila roon at isulit ang mga oras na magkasama sila pero si Glaiza na ang nagpumilit.

Nasasaktan si Glaiza. Nagseselos siya. Nang marinig niya kay Rhian na dumating sa Pilipinas si Jerson habang kausap nito ang ina sa telepono ay parang gusto niyang maliyo. Obviously, yung Jerson na 'yon ang boyfriend nito. Kahit walang binabanggit sa kanya si Rhian tungkol dito ay alam niya ang katotohanan. Dumating na ang araw na kinatatakutan niya. Ito na siguro ang huling araw na magkakasama sila. Ito na 'yon. Tulad ng mga agam-agam niya kaninang umaga, darating ang araw na magkakahiwalay sila. Si Jerson kasi ang legal. Siya ang tanggap ng pamilya ni Rhian. Siya ang tanggap ng lipunan! Hindi ang katulad niya na itinatago!

Parang may bara sa lalamunan niya. Masakit. Pero ayaw niyang umiyak. Ayaw niyang ipakita kay Rhian na umiiyak siya.

"Glaiza...", walang anu-ano ay tinawag siya ni Rhian. Halos pabulong. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya.

"Please Rhi... don't", umiwas siya. Ayaw niyang sumbatan si Rhian. Hindi naman siya galit dito. Nasasaktan lang talaga siya.

"Glai, please give me time. Aayusin ko ito", wika ni Rhian. Kahit hindi siya tiyak kung ano ang sitwasyon na naghihintay sa kanya sa bahay, kailangang sabihin niya ito para mapagaan ang loob ni Glaiza... Kailangang sabihin niya ito para lumakas ang loob niyang harapin si Jerson. Pero kaya ba niyang i-give up si Jerson? They have been together for two years. Best friend niya ito. Barkada. Boyfriend. Kumpara kay Glaiza na nakasama pa lang niya ng two weeks. Pero kung hindi niya ito bibitawan, paano na si Glaiza? Kaya ba niyang iwan si Glaiza? Oo nga at dalawang linggo pa lang silang magkasama pero sa maigsing panahon na 'yon ay naramdaman niyang kumpleto siya. Masaya. Masayang masaya. Hindi siya naging kasing saya nito kapag magkasama sila ni Jerson.

"Don't give me false hopes, Rhi. Ok lang ako. Sa umpisa lang naman masakit ito".

"Please don't say that! Susuko ka na lang ba? Kasi ako... susubukan kong hindi sumuko".

"Ayoko lang kasing umasa".

"Please, give me at least twenty four hours to settle this. Just twenty four hours!"

Tumango lang si Glaiza. Hindi na siya tumutol ng yakapin siya ni Rhian. Ngunit hindi niya kayang gantihan ang yakap nito.

---------

Fly With MeWhere stories live. Discover now