Chapter 28 - Close Your Eyes

6.8K 364 85
                                    

Sobrang saya ni Glaiza. Hindi siya makapaniwala na tinanggap na siya ng pamilya ni Rhian, lalo na ng ama nito. Kahit ang mata niya ay mapapansing nakangiti sa sobrang saya.

"Love, kanina ka pa nakangiti..." nahawa na rin si Rhian sa mga ngiti nito.

"Masaya lang ako love. Masayang masaya. Yung tipong gusto kong lumundag sa saya".

"Nagulat nga rin ako kay daddy nang tawagin ka kanina. Kinabahan ako noong una. Buti na lang at maayos ka niyang tinanggap" hinawakan ni Rhian ang kaliwang kamay niya. Hinalikan ito.

"Finally, wala na tayong problema sa magkabilang side, love" masayang wika ni Glaiza

"Well, I really hope na maging maganda rin ang pagtanggap sa atin ng Kuya Jaime ko. But regardless, hindi na ganoon kalaki ang problema natin".

"Ganoon din naman ang ate ko. Pastor kasi ang husband niya at iniisip niya na nakakasira ang preference ko sa denomination namin"

Hindi nagbibitiw ang kamay nila. Parang isang paraan nila 'yon para iparamdam sa isa't isa ang pagmamahalan.

Habang nasa daan ay ganoon sila. Puro gestures of affection lang ang namagitan sa kanila. Alam kasi nila na ang nararamdamang saya ay pansamantala lamang. Hindi magtatagal ay maghihiwalay na naman sila.

Pagpasok sa parking lot ng departure area ng George Bush Intercontinental Airport, ang dating ngiti nila ay napalitan ng kalungkutan. Ipinarada ni Rhian ang sasakyan. They unclasped the safety belt.

"Love, I will fly back to Dubai on the 22nd".

"Yeah, I know" malungkot na sagot nito

"Huwag ka nang malungkot. Ayaw kong nakikita kang ganyan. Darating din ang time na magkakasama tayo. Let us do this for our future" malungkot na wika ni Glaiza. Gusto niyang bigyan ng dahilan ang pansamantalang paghihiwalay nila.

"G, why don't you live with me... why not migrate here. I can help you process your documents"

Tempting. Yun din kasi ang gusto niya, ang lagi silang magkasama. Pero kung magiging masaya man silang dalawa, baka maging pansamantala lang. Mawawalan kasi ng sense of fulfillment ang sarili niya. Gusto niyang dumating ang araw na maipagmalaki siya ni Rhian. Pero kung aasa lang siya rito, hindi kumpleto ang fulfillment na gusto niyang mangyari para sa sarili.

"Hindi naman pwedeng damdamin lang ang lagi nating paiiralin, Rhi. Natatakot ako na sa lakas ng intensity ng feelings natin ngayon, baka biglang mag subside ito kung hindi natin ima-manage ang sarili natin. I love you very much and I don't want that to happen".

Hinawakan niya sa magkabilang pisngi si Rhian. Pinagmasdan ito. Tinandaang isa-isa ang parte ng mukha. Ang maayos na eyebrows ... ang mata na unang naka attract sa kanya... ang ilong na katamtaman lang ang sukat na bumagay sa mukha nito... ang lips na gustong gusto niya laging halikan... ang kissable lips... hanggang unti-unti niyang inilapit ang mukha dito. Hinalikan niya si Rhian. This was the most passionate kiss they had since they started being a couple. She wanted more... more... sinusulit ang ilang oras na natitira para sa kanila.

Kapwa sila humihingal ng magbitiw.

"I love you, G. And I will miss you"

Hindi siya makapagsalita. Parang may humaharang sa kanyang lalamunan dahil sa luhang kanina pa pinipigil...

"Dito ka na lang. Huwag mo na ako ihatid sa lobby" sa wakas ay nasabi niya.

Bumaba siya at binuksan ang pinto sa passenger's seat sa likod para kunin ang backpack. Pagkatapos ay umikot siya sa may driver's side.

Fly With MeWhere stories live. Discover now