Chapter 36 - The Two Emirates

6.4K 326 114
                                    

The distance from Dubai to Abu Dhabi by road is 154 km. Kung idadagdag ang distance mula sa Al Nahda hanggang Dubai city proper, they have to travel a total distance of 162 km. Including traffic palabas ng Dubai at papasok ng Abu Dhabi, aabot ng dalawang oras ang kanilang byahe sa average speed na 100 km per hour sa Shaik Mohammad Bin Rashid Road at sa Shaik Mohammad Bin Zayed Road.

Abu Dhabi is the capital city of United Arab Emirates. Dito nakatira ang hari na siya ring Presidente ng UAE. Bagama't pinakamalaki ito sa size, pumapangalawa lang ito sa Dubai sa dami ng population. Ito rin ang pinakamayaman sa pitong emirates.

It's October 4, 11:00 AM. Nasa daan na sila papuntang Abu Dhabi. Glaiza is wearing red long sleeve blouse. Naka denim pants siya. Si Rhian naman ay naka long sleeve white shirt. Naka tuck-in ito sa kanyang stretchable denim pants. Dadaan kasi sila sa Sheik Sayed Grand mosque. Bilang respeto sa mga Muslim at bilang dress code, hindi nararapat na nakalitaw ang kanilang arms at upper legs.

Along the stretch of Shaik Mohammad Bin Zayed Road in Abu Dhabi, nakita na nila ang pamosong grand mosque. Dumiretso sila sa parking area. Mula sa parking area ay naglakad sila patungo sa main entrance. Sa hindi kalayuan ay kinunan nila ng picture ang mosque. Nag-selfie rin sila. Bago pumasok ay may sumalubong sa kanilang isang babae. Kailangan daw kasing nakasuot sila ng abaya (loose fitting robe) at shaila (headscarf) bago pumasok sa loob. May clean abaya at shaila naman na ipinapahiram sa labas ng mosque. Ipinatong nila ang abaya sa damit nila at itinakip sa ulo ang shaila. Pagkatapos ay hinintay nila ang local Emirati na magsisilbing tourist guide.

 Pagkatapos ay hinintay nila ang local Emirati na magsisilbing tourist guide

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

May kasabay din silang ibang turista sa pagbisita sa mosque. Anim sila na inilibot ng tourist guide. They are free to ask about the culture within the Emirates, about Islam, about Quoran. May 'no touch' policy rin sa quoran na nasa loob ng mosque.

Ang nasabing mosque ay itinuturing na may pinakamalaking handmade carpet. Ito rin ang may pinakamalaking chandelier sa lahat ng mosque sa buong mundo.

Ang nag-design ng mosque ay isang Syrian architect. It has a diversified design which includes historical and cultural aspects of the Islamic world combined with modern art and architecture.

Nagtagal sila roon ng halos isang oras.

———————

Pagkagaling sa mosque ay nagtungo na sila sa Abu Dhabi city proper. It's already 1:00 PM. They stopped in Al Wahda Mall to have lunch. Pinili nilang kumain sa Fuddruckers na nasa second level. Cheat meal nila ngayon. Famous kasi ang Fuddruckers sa iba't ibang uri ng burger. Rhian ordered bacon cheddar while Glaiza ordered mushroom swiss. They also ordered premium beer, one glass for each of them, and bottled water. Pinabayaan na ni Rhian na si Glaiza ang magbayad ng bill. Hindi rin kasi papayag ito na gumastos siya.

Halos dalawang oras sila sa Al Wahda Mall. Pagkagaling dito ay dumiretso na sila sa Emirates Palace. Bandang 3:30 PM ng mag park sila. Naka book sila ng 4:00 PM.

Fly With MeWhere stories live. Discover now