Chapter 34 - The Song

6.5K 305 75
                                    

           

"I love you, G!" bulong ni Rhian.

It sounds too sexy for Glaiza. Hinalikan niyang muli si Rhian. Gustong gusto niyang tikman ang tila nectar na nasa labi nito. Kahit isang daang beses na ulit ulitin ay hindi siya magsasawang halikan ang girlfriend niya.

Habang nasa ganoong position at habang nakataas pa rin ang bra ni Rhian ay may narinig silang nagsalita. Boses ng isang lalaki na may Arabic accent.

"Hey! Excuse me. You two. That's not allowed here!"

Nagulat silang pareho. Dagli silang bumitaw sa isa't isa. On impulse, mabilis na inayos ni Rhian ang kanyang bra. Mabilis ding iniharang ni Glaiza ang katawan sa girlfriend niya sa takot na may makakita sa naka expose na bahagi ng katawan nito. Pareho silang namumutla.

Luminga-linga sila sa paligid. Ang boses ay nanggagaling sa pampang malapit sa likod ng boulder na kinaroroonan nila. Sumilip si Glaiza. Nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng fatigue uniform na parang isang pulis. Marahil ay head ito ng security ng hotel. May kausap itong dalawang mangingisda na sa tingin ni Glaiza ay mga Pakistani. Nakahinga siya ng maluwag. Pinapaalis ng security officer ang dalawang mangingisda. Sumenyas siya ng 'ok' kay Rhian.

Napabuntong hininga si Rhian. Ang hininga na kanina pa pinipigil ay agad na pinakawalan.

"Balik na tayo sa swimming pool. Akala ko tayo na ang sinasaway, hahaha!" sabi niya kay Rhian.

"Pasaway ka kasi. Dapat ka lang sawayin, hahaha!" sagot naman ng girlfriend sa kanya.

Alam niya na kaya Tagalog din ang sagot nito ay para hindi maintindihan ng hindi kalayuang Arabong security officer ang pinag-uusapan nila. Umahon na sila sa tubig at naglakad sa pampang papunta sa swimming pool.

"Gustong-gusto mo naman ang pagiging pasaway ko, hindi ba? Sabi mo kanina, you like me when I'm crazy, and so I was! Hahaha!"

Kumuha ito ng buhangin at ibinato sa kanya. Nagtatawanan sila habang tumatakbo sa direksyon ng swimming pool.

———————

It's October 1. The time is 7:30 AM. Nagising si Rhian na wala sa tabi si Glaiza. Baka nasa CR lang ito. Bumangon siya para hanapin ang bathrobe na suot ng nagdaang gabi. Nakita niyang nakapatong ito sa upuang malapit sa coffee table. Ng lapitan niya ito para damputin ay nakita niyang may bouquet ng tulips at roses na nakapatong sa mismong coffee table. Dinampot niya ang bouquet. Tiningnan ang card na nakadikit dito.

Happy 9th month. I love you very much...  G.

For nine months ay consistent ito sa pagbibigay sa kanya ng bulaklak. Hindi ito nagbabago. Hinalikan niya ang bulaklak bilang appreciation sa ginawa ng kanyang girlfriend. Pampered siyang masyado kay Glaiza. Sobrang thoughtful nito sa kanya. Sa mga decisions nito sa buhay ay lagi siyang iniisip. Sa mga plano nito ay lagi siyang kasama. Kaya naman sa pagdaraan ng panahon ay mas lalo pa niya itong minamahal.

May nakita siyang maliit na papel sa coffee table. May note na nakasulat doon.

Love, I'm now in the gym at 3rd floor. Will be back in a while. G.

Nag-toothbrush lang siya at naghilamos. Pagkatapos ay nagpalit ng damit para sundan si Glaiza sa 3rd floor.

Sa pagpasok ng gym ay may isang information desk kung saan dumaraan muna ang mga visitors para magpa-register. Sa extended room nito ay may fridge na naglalaman ng iba't ibang drinks. Nag-order si Rhian ng fresh milk para kay Glaiza.

Naupo muna siya sa carpet sa isang bahagi ng gym. Pinanood lang muna niya ang girlfriend mula sa may sampung metro ang layo. May kausap itong instructor na sa tingin niya ay Filipino. Medyo ma-muscle ang instructor. Wala itong buhok. Hindi masasabing gwapo ang lalaki. Nasa average lang ang itsura nito.

Fly With MeWhere stories live. Discover now