Author's Note

4.2K 170 21
                                    

Hello mga beshies! Pasensiya na kayo sa super delay na update. Salamat sa paghihintay ninyo. Sorry,  medyo naging busy lang ako.

 I will publish the next chapter within today. Pero para mas ma-appreciate ninyo ang susunod na chapter, gusto ko sanang bigyan kayo ng overview sa mga uri ng trabaho na babanggitin ko sa susunod na chapter.

Civil Engineering/Construction:

Sa pagbuo ng malalaki at matataas na building, ang may-ari ay kadalasang kumukuha ng consultant. Ang consultant ang nagiging representative nila para masiguradong nasusunod ang design, ang allocation ng manpower, at ang leadtime ng project. Yan ang magiging trabaho ni Rhian sa susunod na chapter.

Kadalasan, ang consultant ay siya ring designer ng building katulad ng matutunghayan ninyo. Pero may pagkakataon din na ang consultant ay iba sa designer.

Bago mabuo ang isang building, maraming contractors ang involve. Sila ay nasa ilalim ng leadership ng consultant.

Foundation - ito ang pinaka critical na bahagi ng building. Dito nakasalalay ang matibay at matatag na gusali. Sila ang gumagawa ng base isolation device ng building para maging matibay ito kahit magkaroon ng earthquake.

Concreting/Block Installation - Sa ngayon ay may mga pre-fabricated blocks ng ginagamit para sa building. Malaki ang naitutulong nito sa mabilis na pagbuo ng gusali. Pero bukod dito ay may pagkakataon din na kailangang buhusan ng mixed concrete ang wall lalong lalo na flooring ng building.

Electrical/Electronics - Habang ginagawa ang walling ng building, kailangang may koordinasyon ang contractor nito sa contractor ng electrical at electronics. Kailangan kasing mailatag ng maayos ang mga wires at cables sa mga hindi visible na area.

Mechanical - sila ang in-charge sa elevator, airconditioning system, humidifyer and dehumidifyer, air exhaust system at escalator.

Ang consultant ay may malaking influence para mamili ng contractor. Sila rin ang nag-a approve sa paggamit ng alternative materials kung hindi available ang materials na nasa specification.

Kadalasan, ang pagpili ng contractor ay dumadaan sa bidding process.

May tanong ba? Please ask.

Thank you. Mwahh!

RefinedJenny


Fly With MeWhere stories live. Discover now