Paglabas ng elevator, napatingin si Glaiza sa babaeng nasa lobby. Siya yung kamuntik na niyang nakabunggo kanina. Katatapos lang nitong makipag-usap gamit ang mobile phone. Very refreshing ang mukha nito at parang barbie sa ganda. Napangiti siya rito, at ginantihan din siya nito ng ngiti. Medyo kinilig siya sa ngiting iyon. Pakiramdam pa nga niya ay nag-blush pa siya. "Hala, Glaiza! Umayos ka! Ano nangyayari sa iyo? Hmmm.... ito siguro ang tinatawag na girl crush?" sa isip niya.
Pumasok na ang babae sa pinto na may nakalagay na board room. Siya naman ay nagtungo na sa katapat na glass door na may vinyl print ng Office of the President/CEO. Pagpasok niya ay bumungad sa kanya ang anim na cubicles na may 150cm ang taas. May luwang ang bawat isa ng 300cm x 300cm. Metallic bluish light gray ang kulay nito na napapalibutan ng dalawang blue linings na wall paper. Ito ay nagsisilbing opisina ng anim na tao. May name tag ang bawat cubicle at base sa nabasa niya sa tags, ito ang pinaka work station ng mga technical assistants ng company President.
Nagtanong siya kung saan ang office ni Miss Ortaleza. Itinuro naman ito ng isang lalaking mestizo na medyo matangkad. Agad niyang nakita ang isang opisina na tila malaking aquarium dahil tempred glass ang wall nito. Nakita niya agad ang taong hinahanap kahit nasa labas siya. Ito ay nakaupo habang may binabasang mga papeles na nasa folder. Hindi nakasara ang pinto ng opisina kaya dumeretso na siya rito.
"Good morning! I am Glaiza Galura", 'yon lang ang tanging sinabi niya dahil alam naman niya na ine-expect siya nito.
"Hi! Good morning. Please be seated", ngumiti ito na litaw ang dalawang dimples sa pisngi na malapit sa cheek bone. Please wait for a while".
Tumayo ito at bahagyang kumatok sa pintong nasa tapat lamang ng kanyang desk. Pumasok ito at naiwan si Glaiza sa visitor's chair na nasa harap ng desk ng secretary. Sinamantala ni Glaiza na pagmasdan ang paligid niya. Napakagandang opisina nito at halatang makabago ang interior design. Minimalism ang tema at mukhang napakalinis ng paligid. Kitang-kita ang labas dahil salamin ang wall ng opisina. Sa isang sulok nito ay may fortune plant. Light blue ang carpet na sa tingin niya ay masarap tapakan kapag nakayapak.
Hindi nagtagal ay lumabas si Miss Ortaleza, "Miss Galura, you can come in".
Parang biglang nagtakbuhan ang mga daga sa dibdib ni Glaiza. Napansin ito ni Miss Ortaleza, "Don't worry, Mr. Howell is a cool gentleman. Kaya mo 'yan! Aja!" Wika nitong nakangiti para palakasin ang kanyang loob.
Natawa si Glaiza, "thank you". Ramdam niya ang positive energy sa working place na iyon.
Pumasok na siya sa loob ng opisina ni Mr. Howell.
---------
Pagkapasok ni Glaiza sa opisina ni Mr. Howell ay pumasok naman sa opisina ni Miss Ortaleza Technical Assistant na napagtanungan niya kanina, "Chyn, sino 'yon?"
YOU ARE READING
Fly With Me
Fanfiction(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...