Nanginginig ang katawan ni Rhian habang nakatingin sa pictures ni Glaiza at ng lalaking nagngangalang Daniel Raine. It was taken last night. In the bar! One photo shows that Daniel Raine was sitting next to her girlfriend. And in another photo, nakatayo silang pareho. Nakaakbay si Daniel Raine kay Glaiza. Masyadong nakadikit ito.
It's no longer part of Glaiza's job to be with that guy! Laging wala itong oras para sa kanya. Bakit sa iba ay may panahon ito?
In more than three weeks, bakit ang bilis nagbago ni Glaiza? Ito ba ang dahilan kung bakit laging busy ito? She didn't receive even a single message from Glaiza last night. Kaya naman pala ay busy ito. Kay Daniel Raine!
Unti unti na ba itong nawawala sa kanya? Hindi niya namamalayan na lumuluha na pala siya.
Nagpasya siyang tumayo. Unconsciously ay pinahiran niya ang kanyang luha. Wala halos sa sarili na nagtungo siya sa parking area. Binuksan niya ang kotse. Naupo roon at tahimik na isinandal ang ulo sa headrest. Nakapikit ang kanyang mata. Bakas sa mukha ang sakit na nararamdaman.
Glaiza is becoming distant to her...
Matagal siya sa ganoong posisyon. Pilit na pinahupa ang nararamdaman... Hindi siya dapat ganito...
Malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. She started the engine and headed towards north pabalik ng New York City. Tiningnan niya ang oras base sa naka-register sa headboard ng kotse. Her estimated time of arrival to the parking area of One Seaport Plaza is 02:30 PM.
——————-
It's 11:30 AM. Kagigising lang ni Glaiza. For the first time in two weeks ay nagising siya na hindi nagmamadali sa pagpasok. Sa wakas ay natapos na ang problema nila sa eroplano ng British Airways. It was a major repair. It was the biggest repair that the company has done for this year. It involved mechanical, structural, electronics and electrical problems.
The plane had a problem during its landing in JFK International airport. The control loosened up that dragged the plane in the run way. Naapektuhan ang landing gear nito. Mabuti na lamang at mahusay ang piloto nito. Unti unti nitong ginamit ang ibang kontrol ng makina para payapa itong maihinto sa gitna ng taxi area ng tarmac. Walang nasaktan sa pasahero. Si Daniel Raine ang piloto. A friendly and happy Daniel.
Sa loob ng dalawang linggo ay madalas niyang kausap ito. Bilang Technical Assistant to the President ay bahagi ng trabaho niya ang epektibong koordinasyon para mapabilis ang trabaho. Ganoon din ang mabilis na pagpapasya sa mga bagay na kritikal kaugnay sa kanilang ginagawang repair.
Bukod pa rito, isa sa mga pinagbubuti ng WAT ang customer service. The competition is very tough. Hindi lang sila ang accredited maintenance service provider ng British Airways. Ang pagkakaroon ng good customer relationship ang isang puhunan ni Mr. Walton kung bakit nananatili ito sa industry. At ito rin ang isa sa dahilan kung bakit patuloy na lumalaki ang kumpanya.
They had a party last night. The WAT crew who were involved in her team were at the club last night. They were with customer, Daniel. Isa itong uri ng celebration dahil natapos na nila ang proyekto na nagbigay ng matinding pressure sa kanila sa loob ng dalawang linggo.
Alam niyang interesado si Daniel sa kanya. Sa loob ng dalawang linggo ay naging consistent ito ng pakikipag usap sa kanya. Nalaman niya sa pamamagitan ng facebook posts nito at ng mga comment ng kaibigan na binata ito. At inaamin niya, she feels important by the way he treats her. May konting kilig. He has all the qualities that a woman wants for a man. Except that he is a little bit soft. Not too manly for her. Well, she is manlier than him. Napangiti siya habang iniisip iyon.
YOU ARE READING
Fly With Me
Fanfiction(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...