Nasa terrace si Rhian habang tinitingnan ang city lights. Pero tila naglalagos lang ang lahat ng ito sa kanyang paningin. Ang isip niya ay kasalukuyang inookupa ni Glaiza. Ang uri ng kanilang relasyon. Ang unconventional na kalagayan nito... lalo na sa aspetong sekswal. Kaya ba nila itong itaguyod hanggang pagtanda nila? Paano kung dumating ang panahon na wala na ang challenges para i-explore nila ang isa't isa? Is love enough for them to go through?
Somehow, gusto niyang ma-develop ang friendship sa pagitan nilang dalawa. They didn't start as friends. Nag-umpisa sila agad bilang lovers. At sa tingin niya, baka mahirapan silang i-sustain ang relationship nila kung puro attraction lang sa isa't isa ang paiiralin. Hindi pa naman huli para sa kanila ang lahat. Formally, their relationship is still new. They can still do something to strengthen it. And she believes that being friends will help them to get through...
Mahal niya si Glaiza. Mahal na mahal. At ayaw niyang masayang lang o mauwi sa wala ang uri ng kanilang pagmamahalan. Gusto niyang makasama ito hanggang sa kaniyang pagtanda. She wants to grow old gracefully with this amazing woman...
Kanina, habang pinapakinggan niya ang awit na sinulat ni Glaiza para sa kanya, naramdaman niya ang pagmamahal nito. Alam niya na kailangan ng isang tao ang inspirasyon para makagawa ng isang magandang musika. Alam niya na ang pagsusulat ng isang awit ay dapat nagmumula sa puso. And Glaiza did it flawlessly. With her as inspiration.
Nang halikan siya ni Glaiza pagkatapos niyang magpasalamat dito, ramdam niya na hindi lang sexual ang foundation ng pagmamahal nito. It's something deeper. It has something which is coming from within... from a soul. It's sacred. At 'yon ang ayaw niyang masayang...
Naputol ang pag-iisip niya ng maramdaman niyang lumapit si Glaiza mula sa kanyang likuran.
"Love, hindi ka pa ba inaantok? Maaga tayong aalis bukas. Our booking at Burj Khalifa is at 9:30 AM. We will leave at 7:00 AM" Niyakap siya nito sa baywang.
Humarap siya kay Glaiza. Hindi pa rin inaalis nito ang pagkakayakap.
"I love you..." saka niya ito hinalikan sa labi. Saglit lang.
Napakunot ang noo ni Glaiza. Parang nagtatanong ito kung bakit suddenly ay nag 'I love you' siya samantalang tungkol sa Burj Khalifa ang binanggit nito.
"Thank you for making me feel special, G. Your love is one of the best things that happened in my life" she continued.
"It's the same here, love. And if ever I will be given a chance to live in this life again, I will go on choosing to have it with you... I love you too, Rhi" ipinagpatuloy nito ang nauntol niyang halik. Na buong puso naman niyang ginantihan lakip ang pagmamahal.
"Let's go inside, love" bulong niya rito. Natawa si Glaiza. Iisa lang ang kanilang iniisip. Nasa terrace kasi sila. Baka may makakita sa kanila sa mga katapat na building na nasa kabilang kalsada.
Nahiga na siya sa kama. Binuksan naman ni Glaiza ang lampshade sa side table bago patayin ang ilaw. Then, she joined her. Under one blanket. Sumiksik siya sa tabi ni Glaiza at iniyakap ang kaliwang kamay rito. With tranquility by her side, she couldn't ask for more.
They kissed again... yumakap siya kay Glaiza... hanggang kapwa sila nakatulog ng payapa...
—————
It's October 2, 8:30 AM. Nasa entrance sila patungo sa At The Top ng Burj Khalifa. Glaiza booked tickets for two. Ang kinuha niya ay 'At The Top Sky, Prime Hours' kung saan pwede nilang ma-access ang Levels 148, 125 and 124. They can view with a tour guide anytime from 9:30 AM to 6:00 PM for four hours. Glaiza paid 530 AED for each ticket.
YOU ARE READING
Fly With Me
Fanfiction(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...