Chapter 22 - It's Official

7K 375 68
                                    

Habang nakahiga si Rhian at nakatalikod sa kinaroroonan ni Glaiza, naramdaman niyang nahiga na rin ito. Bahagyang hinatak ang kumot na kasalukuyang ginagamit niya. Sumukob ito at dumikit sa kanyang likod. Yumakap ito sa kanya.

"I missed you Rhi". Pabulong na wika nito

Napapikit siya. Ramdam niya ang hininga ni Glaiza na tila kumikiliti sa kanyang batok. Nagpipigil siyang humarap dito dahil kapag ginawa niya iyon, alam niya ang susunod na mangyayari. Mahigit isang taon na hindi sila nagkita. May mga gabing yakap niya ang unan at pinangarap na sana ay si Glaiza iyon. May mga gabing gusto niyang balikan ang nakaraan. Ngayon, nandito na ito sa tabi niya. Nakayakap sa kanya...

"Rhi..." hinalikan nito ang kanyang batok. Bahagya lang. Pero sapat iyon para mawalan siya ng control sa sarili. Pakiramdam niya ay parang nag-init ang buo niyang katawan. Dahan dahan siyang humarap kay Glaiza. Yumakap din siya rito. Hindi na niya kayang magkunwari.

"G, I missed you too..." bulong niya

Ang sinabi niyang iyon ay parang naging hudyat para halikan siya ni Glaiza. Sa labi. Matagal na ninamnam nito ang tamis ng halik na iyon.

Patuloy na nagtatalo ang isip ni Rhian. Ayaw na niyang maulit ang tulad ng dati na masyado silang nagpadala sa damdamin. Pero heto na naman sila ngayon. Alam niyang pagod si Glaiza. Kailangan nito ng pahinga. Kailangang mag-control siya sa sarili. Kahit gusto pa niyang ipagpatuloy ang ginagawa nila ay bumitaw siya.

"Sabi ni Tatay, take it slowly daw" paalala niya kay Glaiza.

Natawa ito. Pinisil ang kanyang ilong. "Ang cute naman ng pagtawag mo ng Tatay sa Tatay ko"

"Ayaw mo ba?"

"Ok nga eh. Sabi ko nga ang cute"

Yumakap siya rito. Isiniksik ang mukha sa leeg nito."Matulog na tayo, G".

"Rhi..."

"Yes..."

"Hmmm... "

"What?"

"Can you be... can you be ... my girl?"

Sa narinig na iyon ay lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi siya nakahanda sa tanong na iyon.

Ngumiti siya saka idinaan sa biro ang sagot. Kailangang maging kalmante siya. "Nagpahalik na nga sa iyo at kayakap mo ngayon, ano pa ba ang tawag dito?"

"I want it official baby".

Tumingala siya rito saka tumango.

"Say yes" paniniguro ni Glaiza,

"Yes!"

"Ohhh yesss! I love you... " Nakatingin sa mga mata niya si Glaiza. Kahit malamlam ang liwanag na dulot ng lamp shade ay kitang kita niya ang kinang nito.

Muli siyang hinalikan nito at buong puso naman siyang nagparaya.

———————

Ayaw palampasin ni Glaiza ang pagkakataong ito para maging official ang relasyon nila ni Rhian. Ilang beses na silang nagniig noon pero hindi naging exclusive sa kanya ang babaeng kayakap ngayon. Ramdam niya ang kaba ng tanungin si Rhian ng "can you be my girl". Pero kailangang gawin niya iyon. It's now or it may not happen again.

Funny dahil nasa kama sila ng tanungin niya si Rhian. Hindi ito ang typical na proposal sa isang dining table or formal date. Tama naman si Rhian, nagpahalik na nga sa kanya at kayakap niya ito ngayon, ano pa nga ba ang tawag dito. Pero kailangan niya ng confirmation sa kanilang relasyon.

Fly With MeWhere stories live. Discover now