Umaga na ngunit ayaw pang bumangon ni Glaiza. Marahil ay mahigit sampung minuto na siya sa ganoong posisyon. Ayaw niya kasing magising si Rhian. Ayaw din niyang matapos muna ang umagang iyon. Nakaunan ito sa kanyang braso at tila payapang payapa sa mahimbing na pagtulog. Ang kanang kamay nito ay nakahawak sa kaliwang kamay niya na nasa ibabaw ng kanyang tiyan. Maya-maya lamang ay babalik na sila sa Manila. Would it be the same thing for them when they are already in Manila?
Banayad na hinagkan ni Glaiza ang noo ni Rhian. Minasdan niya ito na parang mine-memorize ang bawat feature ng mukha. Noong una niya itong nakita ng nagdaang Lunes, may manipis na make-up ito. Sa bihis at tindig pa lang ay alam na niyang mayaman ito. Angat ang ganda nito sa nakakarami. Mas maganda pala ito kapag walang make-up. Raw, too natural... reachable... real.
Hindi pa rin siya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. May mga ganito pala talagang nangyayari. Whirlwind romance kaya ito? Bahala na. Sabi nga sa isang libro, she is into now. And the important is now...
Dahan dahan niyang inalis ang kanyang kaliwang kamay sa kamay ni Rhian. Inabot niya ang cellphone. May mga messages ito ngunit hindi muna niya binasa maliban sa nanggaling sa kanyang tatay.
"Good morning anak. Maayos na ba ang lagay ng panahon diyan? Makakauwi ka na ba?"
Sinagot niya ito gamit ang isang kamay lamang, "Good morning 'tay. Ok na po ang weather dito. Babalik na po kami ngayon sa Manila".
Tiningnan niya ang oras. It's 8:34 AM.
"Rhi... Rhi...", halos bulong lang ang pagtawag niya rito.
"Hmmnn..."
"Rhi, it's almost 9:00. Babalik pa tayo ng Manila. Baka abutan tayo ng ulan along the way".
Yumakap muna ito sa kanya... one minute... two minutes... three minutes...
"Rhi...".
Dahan dahan itong naupo ngunit nahigang muli na nakaunan sa dibdib ni Glaiza.
----------
Babalik na sila sa Manila. Hindi maipaliwanag ni Rhian ang nararamdaman. Parang may emptiness. Parang may panghihinayang. Isang bahagi ng puso niya ang nagsasabi na doon na lang muna sila ni Glaiza sa Amanpulo. Kahit pa maubos ang kanyang salary dahil alam niya
kung gaano ka-expensive magbakasyon sa lugar na ito. Pero may mga obligasyon siya na dapat tapusin. May obligasyon din si Glaiza hindi para sa kanya kundi para sa kompanya na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.
Tumayo siya. Nag-stretch. Tumawag sa local 08 para ipaalam na matutuloy na silang umuwi ngayon. Pagkatapos ay tumawag naman siya sa local 05. Umorder ng coffee, chips and buns.
Si Glaiza naman ay nagpunta na sa bathroom. Lumapit si Rhian sa nakasaradong pinto nito para tudyuhin si Glaiza, "Love, sabay na tayong mag-shower".
"Love, mamaya ka na lang maligo. Paparating na ang order mo", sagot nito. Halata sa boses na naa-amaze kay Rhian.
-----------
Nangingiti si Glaiza. Alam niyang niloloko lang siya ni Rhian na sabay na silang mag-shower. Pero ng tawagin siya nitong "love", gusto niyang kiligin. Lihim siyang umasam na sana totoo ang nararamdaman nito sa kanya. Dahil kung hindi, siguradong masasaktan siya. Pero bakit ba kasi hindi na lang naging lalaki ang isa sa kanila para hindi ganoon karami ang mga doubts niya? Bakit kailangan nila itong maramdaman? Bakit kasi pareho silang babae na hindi sumasang-ayon sa tinatawag na "norm".
Matapos maligo ay isinuot na niya ang denims at T-shirt na ipinahiram ni Rhian. Pinatungan niya iyon ng kanyang jacket na kulay fatigue na naisuot na rin niya noong papunta pa lang sila sa Amanpulo. Isinuot na rin niya ang aviation shoes. Nailagay na rin niya ang mga pinagbihisang damit sa paper bag.
YOU ARE READING
Fly With Me
Fanfiction(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...