Nagtataka si Rhian. Ano ang gagawin nila ni Glaiza sa rooftop? Siguro ay gusto ni Glaiza na mag late breakfast doon? Kahit nagtataka ay nagtungo siyang muli sa elevator. She immediately pressed 50 button which is the key to the top floor of the building.
Pagdating niya sa 50th floor ay halos wala namang room doon. Maliban sa isang stockroom. This is her first time to see the rooftop of this building. Well, she hasn't been into this building until Glaiza occupied one of its residential unit.
May nakita siyang pinto palabas. Binuksan niya iyon. May isang hall patungo sa mismong rooftop. She opened the second door. Hanggang bumungad sa kanya ang mismong rooftop.
Wala roon si Glaiza. Pero biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso sa nakita... totoo ba ito? Halos dinig niya ang pagdagundong ng kanyang puso. Is it only a dream?
Isang helicopter ang nakita niya sa helipad. May banner na nakasabit... at may nakasulat na ... Will you marry me?
Is it for her? Teka muna, baka hindi para sa kanya ito! Baka hindi si Glaiza ang may gawa nito! Pero sino ba ang nasa aircraft industry? Sino ba ang marunong magpalipad ng helicopter? Sino ba ang nagpapunta sa kanya sa rooftop? It must be for her! It must be from Glaiza!
Mula sa passenger's seat ng helicopter sa kabilang side ay may bumaba. Legs lang ang nakikita niya. Naka aviation shoes ito. Naglakad ito patungo sa harap ng helicopter. Si Glaiza. May hawak itong bouquet of roses. This time, it's an assorted colour of red, pink and white. Kaya pala nagpapadala ito ng bouquet sa kanya sa loob ng tatlong araw, may binabalak pala ito!
Lumapit siya rito. It's funny dahil naka shorts at rubber shoes lang siya. Ang T-shirt niya ay napapatungan ng denim jacket. Glaiza is not also in a formal dress. Naka pants ito ng black. Ang white T-shirt ay napapatungan ng comouflage jacket. Maganda naman talaga ang girlfriend niya. Pero ng mga oras na iyon ay parang knight in shining armour ang tingin niya rito. Poging maganda o magandang pogi. Basta ganoon.
Iniabot nito ang bouquet sa kanya. "For you, love".
Parang gustong manginig ng tuhod niya ng mga sandaling iyon. Parang gusto niyang mag-collapse. Nakatitig sa nga mata niya si Glaiza.
"Rhi, with all the trials that we've been through, I realized that I can no longer survive another one. Gusto kong makasama ka habang buhay. Gusto kong pagdating ng hapon ay sa iyo ako uuwi. Gusto kong bago ako matulog ay ikaw ang katabi ko. Gusto ko rin na paggising ko sa umaga ay mukha mo ang una kong makikita"
Nakatitig din siya sa mga mata nito. Ramdam niya ang katotohanan ng sinasabi ni Glaiza. Maya maya pa ay naramdaman niyang tumutulo na ang luha mula sa kanyang mga mata.
May kinuha si Glaiza sa bulsa. Although, may banner na itong nakasabit sa helicopter, formal pa rin na lumuhod ito sa harap niya.
"Rhi, will you marry me?" Tanong nito sa kanya.
YOU ARE READING
Fly With Me
Fanfic(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...