Pumasok si Glaiza sa Torero's Mexican Restaurant. Ito ang lugar na sinabi sa kanya ni Thibaut kung saan sila magkikita para mag-dinner. Pero pagpasok niya ng nasabing restaurant ay wala siyang nakita kahit anino ni Thibaut. Niloloko yata siya ng lalaking ito!
Muli niyang tiningnan isa-isa ang mga nasa mesa. Wala talaga si Thibaut. Hanggang mahagip ng paningin niya ang isang familiar na body profile ng isang babae. Nakatalikod ito sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali... ilang beses na niyang nayakap ang katawang ito. Halos kabisado na niya ang sukat nito.
Lumakad siya patungo sa kinauupuan nito. Kumakabog ang dibdib niya. Bago pa siya lubusang nakalapit ay lumingon ito sa kanya. Nakangiti. Ang babaeng laging laman ng kanyang isip at nagpapatibok ng kanyang puso. Ang kanyang diyosa: si Rhian!
"Totoo ba ito? Am I hallucinating dahil sa kakaisip sa kanya?" Bulong niya sa sarili.
Tumayo ito at sinalubong siya. May hawak itong bouquet of roses. "Happy birthday my love" bulong nito sabay halik sa pisngi niya.
Speechless siya. Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ito ngayon. Kinuha niya ang bouquet mula rito.
"Th... Thank you" yumakap siya kay Rhian. Mahigpit. Hinalikan ang tenga nito na natatakpan ng buhok.
"Maupo na tayo. Mag-order na tayo ng food" sabi ni Rhian
Nagtungo sila sa mesang kanina ay okupado ni Rhian. Pang-dalawahan ang mesang ito.
Ipinatong niya ang bouquet at bag sa mesa. Nakatingin lang siya kay Rhian. She's always caught off-guard everytime Rhian surprises her.
"Love, ok ka lang ba?" Tanong nito sa kanya
Tumango siya, "Yes love. I'm ok. Hindi lang ako makapaniwala na nandito ka sa harap ko ngayon. Kanina kasi ay iniisip lang kita" sa wakas ay nakapagsalita rin siya ng diretso.
"Ano naman ang iniisip mo tungkol sa akin?" Kumindat ito sa kanya habang nakangiti.
"Something silly!" Biro niya
"Hmmm... uwi na tayo sa apartment mo? Let's do that something silly", ganting biro nito sa kanya.
Biglang nag-init ang kanyang mukha.
"Ahhhh.... gano'n!" Ganting biro ni Glaiza na may 'humanda-ka-mamaya-sa-akin' look.
Napansin niyang naging uneasy sa upuan si Rhian. She must extinguish whatever fire they feel now. Kung hindi ay baka ma-out of control na naman sila.
"Love, iniisip ko kasi kanina na sana ay narito ka sa birthday ko"
"Wish granted!" Tumayo ito at niyakap siya sa likod. "I'm now here love!"
Hinalikan niya ang kamay nito. Hinalikan naman nito ang kanyang ulo. Sobrang saya niya.
"Bukas pa ang birthday ko love".
"Yeah, I know. But it's already January 21 in the Philippines. Technically, it's already your birthday". Bumalik na ito sa dating upuan.
Hinawakan niya ang kaliwang kamay ni Rhian na nakapatong sa mesa. "Thank you for coming all the way from Houston just to be with me. I was really surprised!"
"I can do everything for you, G..." hinawakan din ng isa pa nitong kamay ang kanyang kamay.
"How did you know that it's my birthday?"
"Kay Tita Henny. She told me that you are scheduled to fly back to Dubai on the 22nd, a day after your birthday", nakangiti ito. Ngiti na gustong gusto niya.
YOU ARE READING
Fly With Me
Fanfic(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...