Pagdating sa kanilang bahay sa Quezon City ay nagmano lang si Glaiza sa Nanay niya. Pero agad din siyang nagpaalam na aakyat ng kwarto para magpahinga. Ang totoo, nahiga lang naman siya. Nalulungkot siya dahil sa mga sandaling iyon ay alam niyang kasalukuyang naglalakbay na sa himpapawid si Rhian... Tomorrow, there will be 16 hours difference in their timezone.
Kung nalulungkot siya, alam niyang mas nalulungkot ito. At least, nasa Pilipinas siya. Kasama niya ang pamilya niya. Pero si Rhian... mag-isa lang sa pupuntahan...
Ang message nito kanina ay mas lalong nagpalungkot sa kanya. Kung pwede nga lang na gawin ito ay ginawa na niya. She can design different elements of the aircraft. She knows how to determine if the engine of airplane is not in good running condition... but... she is not capable of designing a time machine. Kung pwede lang sana... kung pwede lang...
Niyakap niya ang unan. Tulad ng dati niyang ginagawa kapag nalulungkot, iniisip niyang si Rhian ang kayakap.
Inalala niya ang mga nagdaang araw na magkasama sila. Buhat ng sunduin siya nito noong New Year... ang pagpunta nila sa Amanpulo... sa Nasugbu... ang pagpunta nila sa sugar mill... ang pag-uusap nila ni Jaime... ang pagpunta nila sa Tagaytay Highlands... pagbalik sa hangar... ang pagpunta sa bahay ng Tita Chato niya... ang pag sleep over nito sa kanila... ang date nila sa Makati... ang pag sleep over niya kina Rhian... at ang paghatid niya dito sa airport kanina. Sa ilang araw na magkasama sila, ilang beses na nga ba nilang ipinaramdam ang pagmamahal nila sa isa't isa?
"I miss you..." 'yon lang ang kanyang tanging nasambit.
Bagaman at walang lakas ang kanyang katawan ay gising naman ang kanyang diwa. Bawat pagdilat ng mga mata niya ay naaalala niya ang taong nagpapatibok ng kanyang puso.
—————-
It's January 15. Sakay ng Emirates' EK337 si Glaiza kasama ang kanyang Dicheng Glenda, ang asawa nito at ang isang anak. Pabalik na sila sa Dubai. It's Sunday. Umalis sila ng 6:40 AM Philippine time sa Manila. Darating sila sa Dubai ng 11:05 AM, UAE time. She still has time to rest and be ready para sa sasalubong na trabaho sa office kinabukasan.
Travel time from Manila to Dubai is eight and a half hours. Timezone difference is four hours.
Dahil marami sila ay hindi niya naipa upgrade ang seat nila. Pwede niyang gawin 'yon kung isa o dalawa lang sila. Wala namang problema sa kanila dahil maganda naman ang service ng Emirates Airlines kahit sa Economy Class lang sila. The seat is convenient which they can incline when they want to sleep. Tulad din ng ibang Boeing at Airbus models.
Habang nasa biyahe at nakapikit ang kanyang mga mata ay naaalala niya ang magandang mukha ni Rhian. Buhat ng umalis ito papuntang Nevada ay hindi pa sila nagkakausap. May short messages lang ito sa kanya sa bawat stop over para mag-update. Ang huling message nito ay nagsasabi na nakarating na siya sa Nevada. Nami-miss niya ito ... sobra...
"Hayyy, Rhian... what have you done to me? Hindi ka mawala sa isip ko..." wika niya sa sarili. Hindi na siya nasanay. Simula noon hanggang ngayon ay laging laman ito ng kanyang isipan. Hindi bale, pagdating niya ng Dubai ay tatawagan niya ito....
Kung minsan ay naiisip niya na sana laging ganito ang pagmamahalan nila ni Rhian sa isa't isa. Nandoon lagi ang alab... ang tamis... Kahit mahirap ang pakiramdam kapag magkalayo sila. Kasi kahit ganito, masarap pa ring isipin na mahal siya ng taong mahal niya.
—————-
Dubai International Airport, Terminal 3. Nagtungo sila sa parking area ng Emirates Engineering. Nandoon ang kanyang Toyota Prado. Halos one month nang naka park ito roon. Safe naman ito sa kinaroroonan dahil may bubong naman ang parking space na nakalaan para sa mga empleyado nila. At dahil January pa lang ay malamig pa ang temperature sa Dubai. Hindi maaapektuhan ng lamig ang kanyang sasakyan. Hindi katulad ng epekto ng init kapag summer.
YOU ARE READING
Fly With Me
Fanfiction(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...