Masaya si Rhian dahil bumalik na ang pagiging magkaibigan nila ni Jerson. Alam niyang hindi na maibabalik sa dati ang kanilang samahan dahil aware silang pareho kung hanggang saan lang ang limitasyon ng relasyon nila ngayon. Pero ang magkabati ay sapat na para sa kanya para naman kahit papaano ay makabawi siya kay Jerson sa ibang paraan - bilang kaibigan.
Pareho silang dumalo sa kasal ng kaibigan at dating kaklase sa Graduate Schools ng Harvard University dalawang linggo na ang nakakaraan. Nagkasalubong sila sa mismong party at bilang mga civilized na tao ay nagbatian sila. Habang siya ay nasa isang table, lumapit si Jerson para maki-join. Laking pasasalamat niya dahil mismong ang binata pa ang ang nakipaglapit sa kanya para mawala ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa. He's really a good guy. Kaya lang, hindi na niya kayang mahalin ito katulad ng dati. Hindi kayang i-handle ng kanyang puso na muling makipagrelasyon dito samantalang ang puso at isip naman niya ay para sa iba. Kung minsan nga ay naitatanong niya sa sarili kung minahal nga ba niya ito ng higit pa sa isang kaibigan? Hindi kasi niya maramdaman dito ang kilig at kaba na katulad ng naramdaman niya kay Glaiza.
Sinamantala niya ang pagkakataong iyon para imbitahan ang binata na samahan sila ng mommy niya sa dinner sa susunod na Linggo. Nagpaunlak naman sa imbitasyon niya si Jerson. Isa itong despedida para sa kanyang mom dahil babalik na ito sa Pilipinas. Ayon sa kanya ay miss na ito ng kanyang daddy. Siya naman ay madedestino sa Nevada, California. Their company won a bidding for a consultancy project for a 56-storey building. Siya ang gumawa ng documentations at nag-conceptualize ng design sa nasabing building. Siya rin ang gumawa ng presentation para sa briefings with other engineers. Ang bill of materals at estimated pricing ay ini-assign naman sa ibang engineer. Dahil kabisado niya ang design ng building from A to Z, siya rin ang nag present ng concept sa customer.
This will be the biggest break of her career kaya hinding hindi niya papalampasin ito. Being a consultant for a big scale vertical construction project can boost up more her career. Sino ba naman ang aayaw sa challenge na ito? Kahit pa iwanan niya pansamantala ang condominium unit ng family nila. Higit pa rito, baka sakaling ma-divert ang isip niya kapag nagsimula na ang project. Baka sakaling makalimutan na niya si Glaiza. Well, her heart refused to forget Glaiza. Pero sabi ng isip niya, kalimutan na niya ito para makapagsimula na siya ng bagong buhay.
Two weeks after her arrival from Amanpulo project ay nagkaroon ng promotion across the organization. Nagkaroon din ng cross-transfer ang ibang empleyado. Pinalad siya na mapasama sa promotion mula Project Planning Engineer to Assistant Head of Design Department. Napasama agad siya sa team na gagawa ng design para sa California project. And here she is, ready to fly to another state. From western coast to eastern coast. New life... new environment...
—————-
Tuwang tuwa si Glaiza dahil sa natanggap na tawag mula sa Emirates Engineering. She applied for the position of Aircraft Design Engineer. Marami siyang advantages bilang candidate. Una, may rank siya bilang First Officer. Ibig sabihin ay may lisensiya siya para magpalipad ng local aircraft. May lisensiya rin siya para maging co-pilot ng international flight. Pangalawa, naging apprentice siya sa Emirates Airline noong nasa flying school pa lang siya. Bagama't ang apprenticeship niya ay tungkol sa pagpapalipad ng eroplano, ang maging konektado dito ay isang dahilan para maging priority ka nila bilang applicant. Pangatlo, very impressive din ang kanyang scholastic records ganoon din ang naging performance niya sa interview.
Noong una ay kinakabahan siya dahil alam niyang mahigpit ang competition. Hindi na Pilipinas lang ang pinag-uusapan dito. Worldwide ang ginawang recruitment and the only vacant position is four. Base sa kwento ng kanyang Diche na nasa Abu Dhabi, mas mataas daw ang tiwala ng mga Arabo sa westerner. Mas tiwala rin sila sa mga lalaki lalo na at technical ang nature ng trabaho. Racism and sexism. Yan ang kasalukuyang nangyayari sa Arab countries lalo na at critical position ang pinag-uusapan.
YOU ARE READING
Fly With Me
Fanfiction(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...