September 29. Pagkatapos kumain ng lunch ay umalis na sila ng flat. Instead of going to the Miracle Garden, ipapasyal na lang ni Glaiza si Rhian paikot ng Dubai. At 7:00 PM, they will meet Thibaut in Starbucks at Al Ghurair. Sa October 6 na lang daw sila pupunta sa Miracle Garden. Ayon kasi kay Thibaut habang kausap ni Glaiza sa phone kanina, sarado raw ang Miracle Garden mula June hanggang September. This is due to high temperature that affects the quality of flowers. Hindi raw conducive for viewing ang garden kapag ganitong panahon.
Habang nasa loob ng sasakyan ay nagbigay ng konting background si Glaiza sa girlfriend tungkol sa Dubai. According to her, Dubai is the second biggest among the 7 emirates of the UAE. The biggest one is Abu Dhabi. Dubai is the central hub of commerce within the gulf countries.
The old Dubai was divided by a creek into two areas - Deira and Bur Dubai. With the development in the region and the booming of infrastructures, lumawak ang nasasakupang residential at commercial area ng Dubai. Ang Al Nahda at Al Ghusais sa northeast at ang Business Bay sa southwest ay mga karagdagan commercial at residential areas lamang ng Dubai na ang construction ay nagsimula noong mid-nineties. Ang mga lugar na ito ay nagsimulang i-develop mula sa disyerto.
Dahil ito ay open city, mabilis itong nakapag-attract ng foreign investors. Kasabay nito ang pagdagsa ng mga trabahador mula sa Indian Sub-continent, sa karatig Muslim countries at sa Pilipinas.
Hindi man aminin ay mayroong racism sa Gulf countries. Ang mga nagmula sa western countries ay mas pinapaboran sa mga sensitibong position. Kadalasan ay mas mataas ang salary nila kumpara sa counterpart nila na ibang lahi. Mas binibigyan din nila ng priority ang mula sa multilingual countries tulad ng Lebanon. Karamihan kasi sa mga Lebanese ay nakakapagsalita ng English, French at Arabic.
Bihira lamang ang nabibigyan ng pagkakataon na Filipino, lalo na at babae, sa isang sensitibong position. Ang tulad ni Glaiza ay special case sa company. Nahirapan din siyang mag-adjust noong una dahil sa cultural differences. Ang mga proposals niya sa cost saving at ang feasible designs ang dahilan kaya unti-unti siyang napansin ng management. Bukod pa rito, she is familiar with the use of a lot of design softwares like AutoCAD, AutoDesk 123D, XFoil, USAF Datcom, Catia and Solidworks. Mga katangian ng isang empleyado para maging asset ng kompanya na pinapasukan. Ang pagiging matalino at smart ay factors din para sa mabilis niyang pag-asenso. Plus factor din ang kanyang above averagelook kapag physical appearance ang pag-uusapan. Karagdagang qualification din ni Glaiza ang pagiging First Officer niya.
——————-
At 7:00 PM, nasa Starbucks na si Thibaut. Nasa isang sulok ito na may pang apatan na upuan. Nang dumating sina Glaiza at Rhian ay tumayo ito. Inilahad ang kamay para makipagkamay. Para itong isang business associate na may idi-discuss na proposal sa kanila. Lumapit si Rhian para akmang halikan ito sa pisngi bilang pagbati pero mabilis siyang pinigil ni Glaiza.
"Rhi, that's not allowed here" bulong niya.
"What's wrong with this country? Our Lord Jesus Christ lived in the Middle East. And His Apostles greeted each other with kiss on cheek!"
YOU ARE READING
Fly With Me
Fanfiction(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...