Hindi makapag focus si Rhian sa trabaho. Pagkatapos nilang mag-coffee break ng HR Officer na si Sheena ay nagpaalam na siyang uuwi sa kanyang condominium. Masama ang pakiramdam niya. Hindi naman dahil totoong may sakit siya kundi dahil naiisip niya si Glaiza. More than 24 hours nang hindi nagpaparamdam ito sa kanya. At ngayon ay nagseselos siya. Ang photo ng girlfriend niya at ni Trixie sa Instagram ang bumabagabag sa kanya. Kuha ito sa airport at ini-upload isang araw pa lang ang nakakaraan.
Pagpasok sa unit niya ay napansin niyang bukas ang ilaw sa salas. Siguro ay nakalimutan niyang i-off ito kaninang umaga dahil sa pagmamadaling pumasok sa opisina.
Naupo siya sa sopa. Wala siya sa mood manood ng TV.
She finally decided to change clothes. Bitbit ang handbag ay pumasok siya sa kwarto. Binuksan niya ang ilaw. Kamuntik na siyang mapasigaw dahil may natutulog sa kama niya.
"Mom?" Pero bakit ito dito matutulog sa kwarto niya? May sarili naman itong kwarto. Sino ito? Paano ito nakapasok sa kwarto niya? Baka serial killer na sanay pumasok sa unit ng mga naninirahang mag-isa tulad niya. Pero kung serial killer bakit kailangang humiga pa sa kama?
Kinuha niya mula sa bag ang pepper spray. If this person will attack her, nakahanda siya para sa self defense.
Dahan dahan siyang lumapit sa kama. She was about to pull the blanket. Pero naunahan siya nito. Naging mabilis ang pangyayari. Hinila siya nito sa kama hawak ang kamay na may pepper spray. Dinaganan siya nito.
Magkahalong takot at kaba ang naramdaman niya. Napasigaw siya. Pero ang takot ay unti unting nawala. Nanatili ang kaba pero sa mas positibong paraan. Si Glaiza ang nakadagan sa kanya. Nakangiti ito. Papalapit ang mukha nito sa mukha niya. Glaiza will kiss her!
Is she hallucinating? Teka, natutulog ba siya? Panaginip ba ito? Nahilo ba siya kanina habang nasa opisina? Kung panaginip ito, ayaw muna niyang gumising. Gusto niya ang nararamdaman niya ngayon... she is with her Glaiza... she is with her beloved Glaiza...
Pero totoo ang halik nito! Totoong narito si Glaiza!
"Am I dreaming?" Bulong niya
"Yes! Let us enjoy this dream together... I missed you, Rhi".
Kung panaginip ito, itutuloy na niya... Mamaya na lang siya mag-iisip. Ang mahalaga, kasama niya si Glaiza...
Ramdam niya ang kasabikan nito sa kanya. Ten months of being separated make them uncontrollable now. They are like wild beasts... and their blood feels like in its boiling point.
"I love you, G"
Minsan pa ay pinagsaluhan nila ang walang hanggang pagmamahalan... minsan pa ay naramdman niya kung paano makarating sa langit sa piling ng minamahal...
——————
Ang nararamdaman niyang sakit ng ulo kanina ay hindi na niya nararamdaman ngayon. Para siyang uminom ng parcetamol na may mabilis na epekto sa sistema niya. Glaiza is not only her drugs. She's also her medicine.
Nakaunan siya sa braso ni Glaiza. Nakapatong ang kanang kamay niya sa hubad na katawan nito.
"So, tell me, love... how did you know Sheena?" Out of nowhere ay nagtanong siya.
"What? Ano ang kinalaman ni Sheena sa ginawa natin ngayon? Dati na natin itong ginagawa" Biro nito sa kanya.
"Si Sheena lang ang may duplicate key ng unit na ito. Obviously, nakapasok ka rito sa tulong niya"
"If you think that you're the only stalker here, nagkakamali ka". Isang mabilis na halik ang ginawa nito sa labi niya. "I am also a good stalker. Nakita ko po ang comment ni Sheena sa photo mo. And she said. 'I already saw the blogsite. It's perfect'... "
YOU ARE READING
Fly With Me
Fanfiction(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...