Bago mag 4:30 AM ay nagising na si Rhian. Naunahan pa niya ang alarm na naka-set sa cellphone niya. Halos 3 hours lang ang tulog niya. Napansin niyang nakadamit na si Glaiza. Siguro ay nagbihis ito bago natulog kagabi. Hindi na niya naramdaman dahil nakatulog siya agad.
Naalala niya ang nangyari kagabi. It was something sweet. First time na ginawa niya sa buhay niya ng dahil kay Glaiza. And she enjoyed every bit of it... dahil mahal niya si Glaiza...
Hinalikan niya ito sa pisngi. Gusto sana niya itong panggigilan pero nakonsensiya siya. Kulang din ito sa tulog. Tulad niya.
Nagpunta siya sa kitchen para mag-prepare ng instant coffee. Inihanda na rin niya ang cup ni Glaiza, pero hindi muna niya ito nilagyan ng hot water. Gusto kasi ng girlfriend niya ang mainit na kape kapag bagong gising. Mamaya na lang niya ito gigisingin bago siya pumasok sa bathroom.
Nagtungo siya sa dining table.
Nagsisimula pa lang siyang uminom ng kape ay nakita niyang papalabas na si Glaiza ng kwarto. Parang inaantok pa ito.
"Good morning, love" bati niya rito.
She yawned before saying, "good morning my princess"
Naupo ito sa tabi niya. Isinandig ang ulo sa balikat niya.
"Nakatulog ka ba?" Tanong nito.
"Oo naman. Ikaw yata ang hindi nakatulog"
"Hmmm... maybe two hours"
On impulse, hinawakan niya ang kamay nito. Pero binitawan din agad. "Wait lang, love. I'll get your coffee".
Mabilis siyang nagtungo sa kitchen para lagyan ng mainit na tubig ang kape ni Glaiza. Pagkabigay dito ay naupo siyang muli para ubusin ang kape niya.
Ayaw niyang maging emotional. Gusto niyang maging magaan kahit papaano ang paghihiwalay nila. Well, imposible namang maging magaan talaga, pero mabawasan man lang sana ang lungkot. Lalo na sa part ni Glaiza.
"Love, I'll take a bath now" paalam niya rito. Tumango ito.
Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano. Pero pilit pa ring sumisiksik sa isip niya na sa loob ng mahigit isang oras ay lilisanin na niya ang flat ni Glaiza. At habang papalapit ang oras ay lalo namang bumibigat ang kanyang pakiramdam. Hayyy! Kailangang paglabanan niya ito.
Mabilis siyang naligo. Ayaw niyang ma-delay. May mga bagay na kailangan niyang pagtuunan ng pansin sa Nevada. May responsibilidad siya. Hindi siya dapat magpadala sa damdamin. Kaya niya ito... kaya niya ito...
———————
Habang umiinom ng kape ay nag-iisip si Glaiza. Ramdam niya ang bigat ng damdamin. Ilang oras na lang, maghihiwalay na sila ni Rhian. They will be back into a long distance relationship. Hayyy! Ganoon talaga. Hindi pa sila nakahanda para magsama habang buhay. May mga priorities pa sila. Kung magpapadala sila sa damdamin, masisira ang plano nila. Lalo na siya.
Ayaw niyang masira ang pangalan niya dahil sa pagsira ng kontrata sa kompanyang pinapasukan. Gusto niyang maging malinis ang lahat. Umalis man siya ng Dubai, hindi siya mahihiya na humarap sa employer niya pagdating ng panahon. Maliit lang ang mundo sa propesyon nila. At hindi niya sisirain ang tiwala, lalo na ng kanyang immediate boss na si Lee Edwards. Malaki ang tiwala nito sa kanya. Hindi ito nagkaroon ng prejudism sa tulad niya na bukod sa babae ay nagmula pa sa isang third world country.
Malaki ang utang na loob niya sa Emirates Engineering. Dito umangat ang career niya. Ito ang nagbigay sa kanya ng tamang break para mas lalo pang lumago at umangat sa industry na pinapasukan. Dito mas na-develop ang kanyang kaalaman. Rhian can wait. She can wait. This is for their future.
YOU ARE READING
Fly With Me
Fanfiction(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...