May taas na isang metro at kalahati ang wall ng lagoon na dinurungawan ni Rhian. Ang tubig na umaapaw at dumadaloy pababa na parang falls ay may ganoon ding taas. Hanggang balikat niya ang tubig. Habang nakapatong sa pasimano ng wall ang kanyang mga braso ay minamasdan niya ang dagat sa pagitan ng mga nakaharang na dahon ng mga halaman at punongkahoy. Pero ang kanyang mga mata ay tila naglalagos lamang dito. Ang isip niya ay na kay Glaiza. Nag-aalala siya sa ikinikilos nito. Masyado itong nag-aalala para sa kanilang dalawa. Kung pwede nga lang na bigyan niya ito ng assurance na hindi na sila maghihiwalay ay gagawin niya. Pero kahit siya man ay may mga alinlangan din.
Hanggang maramdaman niya sa kanyang likuran na yumakap ito sa kanyang baywang. Hinalikan nito ang kanyang batok. Lumipat ang labi nito ka kanyang kanang balikat, habang hinihimas nito ang kanyang tiyan... unti unting tumataas ang kaliwang kamay nito hanggang makarating sa kanyang kanang dibdib samantalang ang kanang kamay ay sapo ang kaliwa niyang dibdib.
Nagpaubaya siya sa ginagawa nito. Kung ito ang paraan para mawala ang mga agam agam nito ay kusa niyang ibibigay. Glaiza is becoming possessive of her and for Rhian, it's just alright. Gusto niyang gantihan ang ginagawa nito pero ayaw niya itong gambalain para hindi maputol ang kagustuhan nitong damhin ang buo niyang katawan. Glaiza wants to own her. And she's willing to be owned by her. Dahil pareho silang nakasuot ng two-piece bikini, ramdam na ramdam nilang pareho ang init ng kanilang katawan.
Bawa't halik ni Glaiza sa kanyang likuran ay tila pumapaso sa kanya.
"Rhi, I'm sorry..." bulong nito habang humihingal dahil sa nararamdamang pagnanasa, "I'll try to be objective as much as I could. I'll try not to become negative in our situation".
Sa wakas ay humarap na rin siya rito. "It's ok love. I understand...". Hinalikan niya si Glaiza sa labi. Gusto niyang maging payapa ang isip nito. Matagal silang ganoon. Paulit-ulit.
Sa loob ng mahigit isang oras ay ganoon lang sila. Kung minsan ay lumalangoy at kung minsan naman ay magkayakap. Pakiramdam nila ay nasa paraiso sila. Sarili nila ang mundo. At para sa kanila isa ito sa pinakamagandang bahagi ng kanilang buhay.
-----------
"Love, mainit na ang sikat ng araw. Balik na tayo sa villa", wika ni Glaiza. Napapangiti si Rhian. Kinikilig siya sa pagtawag ng 'love' ni Glaiza sa kanya.
"Nagugutom ka na ba?"
"Not yet. Pero baka masunog na balat natin dito, mainit na eh".
"As you wish my love".
Mabilis silang nagtungo sa shower room. Kaya naman nilang tapusin ang mag-shower sa loob ng sampung minuto pero dahil magkasama sila ay inabot sila doon ng mahigit kalahating oras. Tulad ng dalawang taong nagmamahalan, ang mga sandaling iyon ay puno ng pagpaparamdam at pagsambit ng mga nakakakiliting salita. Kung pwede lang sana na tumigil ang orasan para manatili na lang silang ganito.
---------
Nakabalik sila ng villa bago mag-ika isa ng hapon. Naghanda ang caretaker ng iba't ibang uri ng pagkain na karamihan ay seafood. Mayroong halabos na hipon, baked alimasag, sinaing na tawilis at umuusok na maputing kanin.
"Manang Delia, thank you po sa mga niluto n'yo. Sumabay na po kayo sa amin na kumain", anyaya ni Rhian.
"Naku, anak kumain na kami ng manong mo", habang nilalagyan ng tubig ang kanilang mga baso, "Masaya ako dahil napasyal ka rito. Hindi ka pa rin nagbabago anak. Lagi mo pa rin kami naaalala".
"Syempre naman po. Matagal na po kayong pinagkakatiwalaan ng daddy ko sa plantation. Bata pa lang po ako ay isinasama na nila akong mamasyal sa inyo. Hindi ko po kayo basta makakalimutan".
YOU ARE READING
Fly With Me
Fanfiction(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...