Chapter 21 - New Year's Eve

6.5K 369 65
                                    

Fourty five minutes nang naghihintay si Glaiza sa lobby ng hotel pero hindi pa rin bumababa si Rhian. Siguro ay labis itong nagdamdam o nasaktan noong iniwan niya mahigit isang taon na ang nakakaraan. Baka hindi pa ito nakahanda na pakitunguhan siya tulad ng dati. Masakit para sa kanya na balewalain nito ang kanyang paanyaya pero wala naman siyang magagawa kung ano ang magiging pasya nito.

Nag-iisip na siya ng pwedeng gawin sa New Year's eve. Babalik ba siya sa Pasadena para makasama ang mga kamag-anak o maghihintay na lang siya ng fire works sa Hollywood?

Maya-maya ay bumukas ang pinto ng elevator. Sobrang saya niya ng makitang lumabas si Rhian. Namalikmata siya sa kagandahan nito. Nakasuot ito ng peach blouse covered with black and white checkered flannel coat. Ang pants nito ay black with black boots. Nakalugay ang medyo curly hair nito na kulay chocolate brown. Napabuntong hininga siya at napakagat labi. Hindi niya maiwasang alalahanin ang nangyari sa kanila sa Funta Fuego. She used to be her girl. Ito ang babaeng ilang beses niyang nakaniig noon.

"G, I said gamitin na lang natin ang car ko papunta sa Pasadena", nagulat siya dahil nasa harap na pala niya ito.

"Ha? Ah... eh... sige, sige!" Halos utal ang kanyang sagot. Sinasaway niya ang sarili. "Umayos ka Glaiza. Huwag kang pahalata".

Humalik ito sa kanyang pisngi bilang pagbati. Para siyang nakalutang sa alapaap.

Ang totoo, kahit hindi naman sila pumunta ng Pasadena ngayon ay wala namang problema sa kanya. Sinubukan lang niya itong anyayahan kanina. Pero dahil umiwas ito sa paanyaya niya ay hindi niya inaasahan na pumayag ito. Thirty minutes lang ang hinihingi niya rito para makasama ngayon. Kung sa Pasadena sila magse celebrate ng New Year, malamang na mahigit pa sa tatlong oras sila magkakasama ngayon.

Lumakad sila patungo sa harap ng hotel. Binuksan niya ang glass door para kay Rhian. Maya maya ay tumapat sa kanila ang isang Hummer H3 na kulay dark gray. Lumabas ang valet attendant.


"Nice car!" Sabi niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Nice car!" Sabi niya. Pilit na inaalis ang awkwardness na nararamdaman ngayon.

"It's a company car", sagot ni Rhian. "Do you wanna drive?"

"I don't have international driving license yet, Miss Howell", sagot niya ng nakangiti.

"Ok, I'll drive for you Miss Galura", nakangiti rin si Rhian labas ang dimple sa kaliwang pisngi na malapit sa bibig.

Habang sumasakay sa car ay hindi maiwasang kiligin ni Glaiza. Sana, ok na sila ni Rhian. Sana ito na ang simula...

————————-

Habang nasa highway papunta ng Pasadena, sa wakas ay naitanong din ni Glaiza ang matagal ng gumugulo sa kanyang isipan.

"Rhi, how's Jerson now?"

Lumingon si Rhian sa kanya. Pagkatapos ay ibinalik ang mata sa daan.

"Are you stalking me G?"

"Whaaat? Why should I?"

Fly With MeWhere stories live. Discover now