Alas singko pa lamang ng umaga ay umalis na si Glaiza ng bahay. Tinalunton niya ang Commonwealth Avenue patungo sa Katipunan. Lumiko siya papuntang C-5, diretso patungo ng South Super Highway. Dapat ay nasa tapat siya ng Alabang Town Center sa ganap na ikaanim ng umaga tulad ng napag-usapan nila ni Rhian. Walking distance lang naman ang ATC mula sa bahay ng mga Howells na nasa Alabang Hills.
Dahil maaga pa at hindi naman ma-traffic, nakarating siya sa meeting place nila sampung minuto bago mag ika-anim ng umaga. Nandoon na rin si Rhian pero hindi siya agad nito napansin. Hindi pa kasi nito alam kung ano ang ginagamit niyang kotse.
Mula sa hindi kalayuan ay pinagmasdan muna niya ito. Ang magandang tanawin na kanyang nakikita ngayon ay nakakapagpagaan din ng kanyang pakiramdam. Simple lang ang suot nito pero bagay na bagay sa balingkinitang katawan. Pink top paired with pink shorts na pinatungan ng wool blazer in flesh color. Naka white sneakers ito. Hindi niya natiis na hindi kunan ito ng picture sa pamamagitan ng kanyang cellphone camera.
"Wag sanang lumingon", wika niya sa isip habang nangingiti sa ginagawa. Naka tatlong click siya ng biglang lumingon ito sa gawi niya. Bigla niyang naibaba ang cellphone para hindi makahalata ito.
Pagkabukas ng pinto sa kanang bahagi ng harapan ng sasakyan ay pumasok ito. Iinilapit nito ang mukha sa kanya para humalik sa pisngi. "Good morning love!"
Ngunit kasabay no'n ay napatingin siya rito kaya nagtama ang kanilang mga labi.
"Sinadya mo hano?", pabiro nitong sabi sa kanya.
"Hahahaha! Halata ba?" Sagot niyang pabiro rin. "Kanina ka pa ba rito?"
"Nope. Maybe around five minutes".
"Where to?"
"Drive up to Sta. Rosa and I'll take over from there".
"Sure boss!'
-------
Nang marating nila ang exit ng Sta. Rosa, Laguna, nagpalit ng pwesto sina Rhian at Glaiza. Si Rhian ang nagmaneho diretso sa Silang, Cavite. Kumaliwa sila papunta sa Aguinaldo Highway sa Tagaytay at nag-park muna sila sa tapat ng Starbucks.
"This is one of the most beautiful Starbucks outlets in the Philippines" Rhian said, "mag-coffee muna tayo love".
Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin si Glaiza kapag tinatawag siya ni Rhian ng love.
Bumaba sila ng Ecosport at magkasabay na naglakad patungo sa shop ng Starbucks. Paminsan minsan ay inaalalayan ni Glaiza si Rhian lalo na kung pababa ang kanilang nilalakaran.
Rhian ordered cafe latte while Glaiza ordered cafe mocha. Each of them also ordered cheese croissant.
"Doon na lang tayo maupo sa bandang likod para natatanaw natin ang Taal Volcano", sabi ni Glaiza.
YOU ARE READING
Fly With Me
Fanfiction(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...