Binuksan ni Rhian ang pinto. Si Ate Delia ang kumakatok.
"Rhi, dumating ang kuya Jaime mo kasama si Nadine at si baby Tobie. Samahan daw ninyo silang mag-dinner sa malaking bahay" wika nito.
"What? Bakit biglaan yata ang dating nila?"
"Ewan ko. Hindi rin sila nagsabi sa akin"
"Thank you, Ate Delia. Susunod na lang kami"
Maya-maya ay isinara na ni Rhian ang pinto.
Narinig ni Glaiza ang usapan nina Rhian at Ate Delia. Kinabahan siya. Ang alam niya ay mas istrikto ang kuya ni Rhian kaysa kay Mr. Howell. Ano ang gagawin niya? Paano niya ito pakikiharapan?
Nakabihis na siya ng pumasok si Rhian ng kwarto.
"Love, get ready. Pupunta tayo sa rest house"
"Narinig ko nga ang usapan ninyo ni Ate Delia"
Nahalata ni Rhian na kinakabahan siya. "Just relax. Be confident. Be yourself. Huwag kang kabahan. Everything will be alright"
Inayos muna nila ang kanilang sarili. Nag-blower ng buhok, naglagay ng konting pulbos at pabango. Hindi nagtagal ay nagtungo na sila sa rest house. Nilakad lang nila ang distansiyang 500 meters patungo rito.
———————
Nasa salas ng bahay ang kuya Jaime ni Rhian, kasama ang pamilya nito. Naglalaro si baby Tobie.
Nang makita si Rhian ng bata ay patakbong sumalubong ito. "Tata" bati nito.
"Wow! You are already familiar with tita". Binuhat niya ang bata at hinalikan.
Mas kahawig ni Rhian ang bata kaysa sa ama nito. Marahil ay combination ito ng Howell at Ramos. Ang kuya kasi niya ay mas kamukha ng daddy Gareth nila.
"He is so cute. He looks like you. You have the same brown eyes", napansin din pala ito ni Glaiza.
Noon lang naalala ni Rhian na ipakilala si Glaiza sa kapatid.
"Kuya Jaime, Nadine... she's Glaiza. Glai, my brother Jaime and my sister-in-law, Nadine"
Nakipagkamay ang kuya Jaime niya kay Glaiza at lumapit naman si Nadine para makipag-beso.
"Annnd... this handsome little boy is Tobie!" Proud na ipinakilala ni Rhian ang nag-iisang pamangkin.
Hindi nila inaasahan na sasama si Tobie kay Glaiza kahit hindi ito kinukuha. Napilitan tuloy nitong kunin ang bata.
"Playyy!" Sabi nito. Dahil one year and eight months pa lang si Tobie ay one to three syllables pa lang ang kaya nitong sabihin.
"Where do you wanna play?" Tanong ni Glaiza sa bata.
Mabilis na bumaba ang bata sa kanya at tumakbo sa isang sulok ng bahay para kunin ang laruan. Isang toy car at isang toy airplane ang hawak nito. Bumalik ito kay Glaiza.
"This..." sabi ng bata.
Nagningning ang mata ni Glaiza. Naaaliw siya rito. Lalo na at eroplano ang isa sa mga laruan nito.
"Do you want to be a pilot?" Tanong ni Glaiza kay baby Tobie.
"Yeah. Like Dadcu"
"You're smart little boy" Hindi napigil ni Glaiza ang sarili na halikan ang bata.
"Siya ang pumili ng toy na 'yan sa Toy Kingdom. Isinama kasi siya ng lolo niya sa hangar. Buhat noon hindi na niya nakalimutan ang airplane" kwento ni Nadine sa kanila.
YOU ARE READING
Fly With Me
Fanfiction(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...