Lingid sa kaalaman ni Rhian ay gising pa si Glaiza ng mga oras na iyon. Naramdaman niya ng yakapin siya nito habang nakatalikod siya. Parang tumigil ang kanyang mundo. Ayaw niyang gumalaw. Ayaw kasi niyang alisin ni Rhian ang pagkakayakap nito sa kanya. Ng mga sandaling iyon ay para siyang nakalutang sa alapaap. Gusto niyang gantihan ang yakap ni Rhian. Pero pagkatapos n'on, ano ang mangyayari? Baka kung gawin niya 'yon ay mawalan siya ng trabaho. Mali ito... hindi dapat ganito...
Ngunit nagsusumigaw ang puso ni Glaiza. Bagama't parang tulog ang kanyang anyo at katawan ay gising naman ang kanyang diwa. Humarap siya kay Rhian para yumakap din dito....
Sa ginawang iyon ni Glaiza ay parang huminto ang lahat ng nasa paligid ni Rhian. Wala siyang ibang nakikita kundi si Glaiza. Wala siyang nararamdaman ng mga sandaling iyon kundi kaligayahan.
Halos wala ng pagitan sa kanilang dalawa. Ramdam nila ang tibok ng puso ng bawa't isa. Langhap nila ang hininga na parang nagmumula sa kasisilang na sanggol. There is tranquility and peace in each other's arm. They are at home. And that proximity is not enough to burn their desires. They want more... they want more... they want more....
Bahagyang hinaplos ng palad ni Rhian ang kaliwang pisngi ni Glaiza. Unti-unti, inilapit niya ang kanyang labi sa mga labi nito. Banayad lang... dahan dahan. Basta ang alam niya ng mga sandaling iyon ay idinuduyan siya sa alapaap. Wala na siyang kontrol sa kanyang sarili. Ang mahalaga, magkaniig sila ni Glaiza ngayon. Nagpaubaya naman ito ngunit nananatiling hindi gumaganti sa kanyang mga halik. Mula sa pisngi nito ay bumaba ang kanyang kamay sa braso nito... pagapang sa likod.
Hindi maintindihan ni Glaiza kung bakit unti unti siyang nadadarang sa tukso na nasa harap niya ngayon. Gusto niya ang nangyayari... gustong-gusto... pero sa sulok ng kanyang isipan ay naroon ang takot. Gusto niyang pigilan si Rhian ngunit ang mga labi na nararamdaman niya ngayon ay tila isang push button para buhayin ang natutulog niyang pagkatao. Hanggang sa gumanti na rin siya sa mga halik nito... hanggang naramdaman niya ang kamay nito na gumapang sa kanyang likuran. Banayad na ipinasok nito ang kanang kamay sa loob ng damit na kanyang suot. Pagapang na tinunton nito ang patungo sa kanyang tagiliran j... hanggang naging pataas ang paggapang nito patungo sa kanyang dibdib.
Binitiwan ng labi ni Rhian ang kanyang labi para ilipat ito sa kanyang dibdib.
Krrrinnnng! Krrrinnng!
Hindi pinapansin ni Rhian ang tunog ng local phone. Ngunit matapos ang halos limang beses na pag-ring nito ay tila nahimasmasan si Glaiza...
"Rhi, baka importante ang tawag na 'yon" bulong niya rito. "Rhi... Rhi...".
Sa wakas ay tumigil na rin ito sa kung ano mang binabalak gawin.
Naupo ito na napabuntong-hininga at dinampot ang telepono.
"Hello!"
"Hello, ma'am! Is this Miss Howell?"
"Yes".
You have a call from New York from a certain person named Jerson Chua. Will you accept the call?"
Wala nang nagawa si Rhian kundi tanggapin ang tawag. Si Jerson, ang kanyang boyfriend na nasa New York.
Kaklase niya si Jerson sa graduate school ng Harvard University. Tulad niya ay mula rin ito sa pamilya ng may negosyo sa US. Sole distributor sila ng isang sikat na electrical products. Ang distributorship ay umaabot hanggang sa Central America. Sa New York na ito ipinanganak at lumaki ngunit tulad ni Rhian ay sa Boston din nito napiling mag-aral. Mabait naman ito, edukado, disente at higit sa lahat ay itinuturing niya itong bestfriend maliban sa pagiging boyfriend.
YOU ARE READING
Fly With Me
Hayran Kurgu(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...