Chapter 43 - Revisit The Old Folks

5.7K 318 201
                                    

Habang nasa terrace at kinukuha ni Rhian ang mga damit na nasa clothesline, may nakita siyang mga lalaki sa golf course. Nakasilong ang mga ito sa puno at kasalukuyang nanonood ng mga naglalaro.

Mahigit isangdaang metro ang layo ng mga ito sa kanya pero aninag pa rin niya ang mga mukha nito. Napalingon ang isa sa dako niya. Guwapo ang lalaki at matangkad ito kaysa sa mga kasama. Ngumiti ang lalaki sa kanya. Sa aktong iyon ay lumabas si Glaiza sa terrace na kinaroroonan niya. Nakita nito ang nakangiting lalaki.

"Do you know him, love?"

"No..."

"And why is he flirting?"

"Love, ngumiti lang naman yung tao, flirting na ba 'yon? Baka naman friendly lang". Nilambingan niya ang salita. Mukha kasing nawala sa mood ang girlfriend niya.

"Pumasok ka na, love. Ako na ang magliligpit ng clothesline".

Hayyy... protective ba si Glaiza o selosa? Pumasok siya sa loob ng bahay. Ayaw niyang uminit ang ulo nito at tuluyang mawala sa mood.

Nang maipasok na ni Glaiza ang clothesline ay kinausap niya ito.

"Love... dapat mo ng sanayin ang sarili mo na may ibang tao na tumitingin sa akin; na may ibang tao na nagkakagusto sa akin. It only means that you've made the right choice - kasi hindi lang ikaw ang nakaka-appreciate sa akin. Hindi ba dapat maging proud ka dahil maraming nagkakagusto sa girlfriend mo? Ang mahalaga, ikaw ang mahal ko. Hindi ka pa ba secured sa akin, love?"

Hindi ito sumagot. Pero alam niya kung paano pakalmahin ito. Ibinaba niya ang mga damit na hawak. Nilapitan niya si Glaiza at hinalikan sa labi.

"I love you. I am all yours..."


——————

Tama naman si Rhian. Wala naman siyang dapat ipagselos. Pero kung minsan ay hindi niya ito maiwasan. Siguro ay isa ito sa problema ng girl to girl relationship. Nandoon ang trust pero mahirap ma-develop ang security. Nandoon lagi ang pag-aalala na baka isang araw ay ma-attract ang girlfriend niya sa iba. Sa lalaki man o sa babae...

Ito ang mahirap. Sa kaso nilang dalawa, maraming karibal. Babae at lalaki... Ganito pala... hayyy!

Attractive si Rhian. Malakas ang sex appeal. Maganda. Maraming umaaligid... Kung siya nga na dating naniniwalang straight ay na attract agad sa una nilang pagkikita, hindi kataka taka na ganoon din ang epekto nito sa opposite sex... at sa ibang babae... Pero wala siyang magagawa. Mahal niya kasi eh.

Saka ano pa ba naman ang gusto niyang patunay na mahal siya nito? Pinuntahan nga siya noon sa Washington... at sa Dubai. At narito ito sa Pilipinas ngayon dahil sa kanya. Dahil first anniversary nila... hindi pa ba sapat ang effort nito para magtiwala siya?

At ang nangyari sa kanila kagabi sa tabi ng swimming pool... ramdam niya ang pagmamahal ni Rhian... at ang sinabi nito na 'my life is useless without you'... if it's not love, then she doesn't know what love is anymore.

"Sorry, love..." wika niya.

Hinalikan din niya ito. Sa ganitong mga halik ni Rhian, nawawala ang mga insecurities niya. Sa mga ganitong halik ni Rhian, nakakaramdam siya ng kapayapaan. Sa ganitong mga halik ni Rhian ay nararamdaman niya na siya lang ang mahal nito. Sa mga ganitong halik ni Rhian, sapat na para muli siyang mag-init...

Gumapang ang mga kamay niya sa likod ng girlfriend niya. She wants her again... hinalikan niya ang leeg nito... pumasok ang kamay niya sa damit ni Rhian. Wala itong suot na bra... pinagapang niya ang kanyang kamay sa dibdib nito...

Fly With MeWhere stories live. Discover now