It is almost 4:00 PM when Glaiza reached home. She walked around SM Aura for a window shopping after the interview. She had a lunch at Jin Joo Korean Grill. She loves everything about Korean - food, TV soap, KPop, and the list goes on. Wala namang problema sa kanya kahit nag-iisa lang siya. Sanay siya na may kasama, at sanay din naman kahit nag-iisa. May pasalubong siyang dalawang piraso ng Turks shawarma dahil paborito ito ng kanyang tatay.
Maingat niyang iginarahe ang Ford EcoSport na hiniram sa kanyang very supportive na tatay. Family car nila ito, pero para raw sa flexibility at convenience niya, mabilis niyang nakumbinse ang mabait na ama na gamitin ito.
------
Anim na magkakapatid sina Glaiza. May asawa na ang apat na mas nakakatanda sa kanya. Dalawa na lamang sila ng bunsong kapatid na si Alchris ang kasama sa bahay ng kanilang mga magulang. Malaki ang agwat ng edad nila ng sinundan niyang kapatid kaya naman itinuring siya ng mga ito na parang manika noong bata pa siya. Mahal na mahal siya ng mga ito at ayaw na ayaw na siya ay nasasaktan. Kahit na ganoon, hindi naman siya lumaking spoiled. Manapa, lumaki siyang isang mapagmahal na anak at kapatid.
Ang kanilang panganay na si Maricris ang nagsilbing pangalawang magulang niya lalo na kapag nagtatrabaho sa abroad kanyang mga magulang. Dati kasing band member ang kaniyang tatay at nanay noon at tumutugtog sila paminsan-minsan sa mga clubs at hotels sa Japan. In and out of the country sila noong maliit pa lang siya. Ito ang nagsilbing bread-and-butter ng pamilya nila noon maliban pa sa pagiging enlisted soldier ng ama.
Ang kanyang diche ay kasalukuyang nasa Abu Dhabi kasama ng pamilya nito, samantalang ang kanyang sanse ay nasa Bacolod. Ang kanyang kuya naman ay nasa Valenzuela at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang malaking factory ng mga monoblock chairs bilang manager.
Tulad ng kanyang mga magulang, mahilig din sa musika si Glaiza. Tinuruan siya ng kanyang tatay na mag-gitara noong elementary pa lang siya. Kapag walang ginagawa ay nagsusulat din siya ng kanta. Isa rin siyang choir member noon sa kanilang simbahan.
Noong high school ay nagtayo siya ng banda. Binubuo ito ng limang miyembro at siya ang tumatayong vocalist-guitarist. Kung saan-saan din sila nakakarating para mag-perform. Kadalasan ay sapat lang ang kanilang talent fee para sa panggastos ng kanilang grupo. Pero dahil enjoy naman sila sa kanilang ginagawa kaya hindi alintana ni Glaiza at ng kanyang grupo kahit wala silang pera. Hindi sang-ayon ang nanay niya sa pagbabanda niya dahil nag-aalala ito sa anak lalo na 'pag ginagabi ng uwi. Magandang bata ang kanyang anak at takot siya na ito ay mapahamak.
Matalinong bata siya ngunit kadalasan ay nahahati ang attention niya sa banda at sa pag-aaral. Pero kahit ganoon, kasama pa rin naman siya sa top 10 noong nagtapos ng high school.
Mahilig magbasa si Glaiza. Kadalasan ay nagbabasa siya ng fiction novel, regardless of its story, lalo na at best-selling naman ang mga ito at may magandang reviews. Malaki ang naitulong ng pagbabasa niya para mahasa sa pagsasalita at pagsusulat sa wikang english. Tagalog naman kasi ang first language sa bahay nila maging sa public school na pinasukan kaya mas komportable pa rin siya sa wikang ito. Pero kaya naman niyang makipagsabayan sa pagsasalita ng english kung kinakailangan.
Nagkaroon siya ng interest sa aviation buhat ng mabasa niya ang mga novels ng American author na si Dale Brown. Nabasa niya ang limang nobela nito na ang pangunahing character ay si Patrick McLanahan. Simula noon, naging passion na niya ang tungkol sa anumang may kaugnayan sa eroplano.
Karamihan sa nga flying schools ay nasa Parañaque pero masyado itong malayo sa Valenzuela na dati nilang tirahan. Ayaw pumayag ng kanyang Nanay Cristy na araw-araw itong magbiyahe ng ganoon kalayo kaya nagpasya ang pamilya na sa Holy Angel University sa Angeles City, Pampanga na lamang siya mag-aral. Anyway, this is one of the top performing aviation schools of the country - better than most schools in Parañaque. Pansamantala siyang nanirahan sa kanyang Tita Chato na kapatid ng kanyang nanay. Paborito naman siyang pamangkin nito kaya walang naging problema sa loob ng limang taon niyang paniniranan dito.
YOU ARE READING
Fly With Me
Hayran Kurgu(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...