Sa hotel restaurant na lang kumain sina Rhian at Glaiza. Nag early dinner sila dahil hindi sila kumain ng lunch. Hindi naman mahalaga kung ano ang kakainin nila. Ang mahalaga ay magkasama sila sa mga sandaling ito. Gusto nilang isulit ang natitirang panahon na magkasama. Nakakalungkot lang. Parang maramot kasi sa kanila ang tadhana. Lagi na lang silang pinagtatagpo. Bibigyan ng maigsing panahon tapos ay magkakahiwalay rin. Ang kaibahan lang ngayon, walang nang-iwan. Walang iniwanan. Walang humahadlang. Malaya sila sa pagkilos lalo na at nasa California sila ngayon. Kahit papaano ay tanggap ng mga tao ang ganitong uri ng relasyon.
Pagkatapos kumain ay naglakad sila sa Highlands Boulevard. Gusto sana nilang pumasok sa Hollywood Museum pero kasalukuyang sarado ito. It's Friday and the museum opens on Wednesdays and Sundays only. Hindi sila masyadong interesado sa Wax Museum. Siguro mas mag-e enjoy sila rito kung isang grupo silang papasok. May mga games ang activities kasi doon tulad ng sa Mystery Manila.
May mga tumitingin din sa kanilang dalawa dahil madalas ay magkahawak kamay sila. Minsan naman ay nagkukulitan. Pero marahil ay wala namang panghuhusga ang mga tingin na 'yon. Hindi nila alam na kaya tumitingin ang mga ito sa kanila ay dahil sa mala-hollywood star nilang aura. Marami rin namang magaganda sa paligid, pero mas blooming kasi at positibo ang aura kapag inlove ang isang tao.
Maraming shop ng mga branded products sa paligid nila pero napag-usapan nila na pumunta ng Dolby para doon mag-shopping. Ang Dolby Theatre kasi ay hindi lang basta sinehan. May extending mall din ito at may mga shop tenants tulad ng Sephora, Oakley, Forever 21, Rolling Stones, American Eagle, Sketchers at marami pang iba. Nasa likod lang naman ito Loews Hotel kaya kahit gabihin sila ay madali lang silang makakabalik sa kanilang room. Balak kasi nilang bumalik sa Loews bandang ikasampu ng gabi.
Mahilig si Rhian sa sapatos. Branded man o hindi basta nagustuhan niya ang design at komportable sa paa. Kasalukuyan silang nasa Sketchers at tumitingin ng design ng tanungin niya si Glaiza.
"Ano ang mas maganda, itong white or gray?"
"Mas maganda itong white. Mas malinis tingnan at mukhang bagay sa iyo. Well, mukhang bagay naman sa iyo kahit ano ang isuot mo"
Napangiti si Rhian. Kung binobola man siya ni Glaiza ay wala siyang pakialam. Basta masaya siya at masarap sa pandinig niya ang sinabi nito.
Napalingon sa kanila ang dalawang lalaki na kasalukuyan namang tumitingin sa shelf ng Mens* section. Lumapit ang isa sa kanila.
"Hi, narinig ko kasi na nagsalita kayo ng Tagalog. Ako si Miguel, taga Batangas ako" nakasunod na pala ang kasama nitong lalaki.
"And hey, I'm Rob. I'm his cousin" Nakipagkamay ito sa kanila.
Napreskuhan si Glaiza kay Rob dahil sa pang-aagaw ng atensiyon nila. Si Miguel ang kausap nila pero basta na lang ito sumingit.
"Hmmm... bagay sa iyo ang name mong Rob" wika niya ng nakangiti sabay wika sa sarili, "you are robbing one's attention!".
"Talaga? By the way, I am in real estate and my cousin here is working in Pixar" medyo mayabang na nagpa-impress ito.
"Ok, that's good!" wika ni Rhian
"Kung wala na kayong pupuntahan pagkagaling dito, can we invite you for a dinner? So that we'll know each other better" Si Miguel.
"Sorry, we've just finished our early dinner", si Glaiza.
"And your name please?, si Rob uli
"I'm Rhian and this is Glaiza"
"Hmmm... are you sisters? Medyo magkahawig kasi kayo", si Rob
YOU ARE READING
Fly With Me
Fanfiction(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...