Author's Note 7

4.1K 237 121
                                    

I heard, a lot of my readers are waiting for "Connecting the Dots" portion in my Author's Note. Bukas ko pa lang ipa-publish ang Chapter 50. Medyo nililinis ko pa kasi ang ibang dialog para mas mabigyan kayo ng tamang emotions. That's the ending and I do not want you to get disappointed. Although, alam ko na siguradong maraming malulungkot sa inyo sa Chapter 50. Pero ang hindi magbasa ng Chapter 50, walang reward! Lol!

—-

BITS AND PIECES:

Alam ba ninyo kung bakit mas comprehensive ang isinusulat kong "RaStro Connections" dito sa watty kaysa sa RROFG? Napakarami na kasing members sa RROFG. And because of that, we can no longer determine kung sino ba talaga ang RaStro supporters doon at hindi. Kung may spy ba talaga roon ang both camp. Kung sino ang game at nakikigulo sa pagsagwan. Kung sino ang masaya sa connections, at kung sino ang napipikon, and so on. At least, dito, may limited numbers of readers lang tayo. At siguro naman, 99% ng readers dito ay RaStro supporters.

Pero salamat kay Admin RD sa matiyaga niyang pag maintain ng RROFG. Salamat din sa mga nagpo post doon na nagiging source ng ating discussions kahit kadalasan ay hopiaan lang, lol!

——

Maraming nakakapansin na nagiging magkahawig na sina Rhian at Glaiza. Wala naman silang part ng mukha na magkapareho pero bakit may mga angles at shots na magkamukha sila? Medyo mas feminine lang ang face ni Rhian. Pero ang facial expression, lalo na kapag fierce ang gustong i-portray, ang projection nila ay halos magkapareho na. Kung minsan nga, ang nagiging reaction, "Ay! Si Rhian pala ito, akala ko si G!". "Ay! Si G pala ito, akala ko si Rhian!" May mga kuha rin sila na pareho ang ayos ng paa, kamay at ulo. 

Pero paanong naging magkamukha ang isang European beauty at isang Indian Sub-continent/Mediterranean beauty?

In psychology, that is called MIRRORING.

Mirroring is the subconscious replication of another person's nonverbal signals. This concept takes place in everyday interactions, and often goes unnoticed by both the person enacting the mirroring behaviors as well as the individual who is being mirrored. Nangyayari ang mirroring kung madalas na kasama o kausap mo ang isang tao. Nangyayari ang mirroring kung mahalaga ang tao na ini-imitate mo, unconciously!

We have no idea what the psychology behind the mirroring of RaStro is. Ang segurado ko lang, when you are mirroring one person, it is either you are "always" with that person physically or virtually, or you have a "strong admiration" or "connection" to that person.

Ano na RaStro? Why are you mirroring each other? Kinikilig ako sa mirroring n'yo eh haha!

———

Napansin ng mga fans ni Rhian na lately ay nagiging favorite niyang i-post sa social media ang part ng lyrics ng mga kanta ni Dua Lipa. She started posting part of the lyrics of Blow Your Mind on February 26 and of New Rules on February 27.

Maraming nagtanong noon sa kanya kung napakinggan na niya ang IDGAF. Marami ring nag comment na kahawig niya si Dua Lipa. And obviously, Dua Lipa is now Rhian's favourite. At dahil sa mirroring, favorite na rin ba ni G si Dua Lipa?

Based on my wild imagination, Dua Lipa could pass as the child of RaStro dahil sa itsura nito. Haha! Ang vocal, kay Rhian. Ang swag at projection, kay G.

Two days ago, as of this writing, Rhian posted a photo on IG with caption IDGAF. Noong nakita ko 'yon, una kong tiningnan ang lyrics. Is it for J or is it for G? If it's for J, magdiriwang ang Rebels. But if it's for G, masasaktan ang Rebels.

But something good happened yesterday. Kinanta ni G ang IDGAF sa Eat Bulaga. Regardless of the lyrics, this is favourable to our Rebel hearts. Bakit? Kasi ayon sa Twitter, noon pa raw Friday LSS sa IDGAF si G. It was the same day na nag post si Rhi. Obviously, LSS din ang diyosa ng buhay ni G. Hindi ba posibleng si Rhian ang nag suggest ng kakantahin ni G? At sa mas nakakakilig na scenario, hindi kaya magkasama sila habang nagpa practice si G noong Friday kaya nagkaroon din ng LSS syndrome si Rhi?

Fly With MeWhere stories live. Discover now