Chapter 16 - Decision

5.6K 324 29
                                    

Sobrang nag-aalala si Rhian dahil hindi sinasagot ni Glaiza ang mga tawag niya. Ano na kaya ang nangyayari doon? Galit ba ito sa kanya? Tulad ng pangako niya, aayusin niya ang problema niya kay Jerson. She's almost there. Nasabi na niya sa binata ang tunay na preference niya. Hindi ganoon kadali ang mag come out sa lalaking kahit papaano ay minahal din niya; sa lalaking laging nasa tabi niya sa loob ng mahigit dalawang taon. Sa lalaking walang kasalanan sa kanya kundi ang mahalin lang siya. Galit pa si Jerson sa kanya ngayon pero alam niyang darating ang araw na mapapatawad din siya nito. Kung kailan? Hindi niya alam.

Nag-aalala rin naman siya para kay Jerson. Kanina pa ito hindi bumabalik ng casita. Naaawa rin siya rito dahil pagkatapos ng mahabang biyahe galing ng New York ay ganito pa ang mangyayari... ito pa ang isasalubong niya. Nahihirapan siya. Naiipit siya sa dalawang taong parehong mahalaga sa kanya. Hindi siya sanay sa buhay na ganito kakomplikado. Pero kailangang mamili siya. Alam niyang hindi impulsive decision ang ginawa niya. She wouldn't have allowed what happened between her and Glaiza if she's not a gay. Glaiza has just pushed the button to let her realize her preference. She's inlove with Glaiza and she cannot change that fact anymore.

Naisipan niyang maglakad patungo sa aplaya. Baka sakaling doon ay tangayin ng hangin ang lahat ng agam agam niya. Ngunit habang naglalakad siya ay si Glaiza pa rin ang naaalala niya lalo na ng napatingin siya sa direksyon ng Manamoc Island. Tiningnan niya sa cellphone ang picture na magkasama sila na ang pinaka background ay ang islang kasalukuyan niyang tinitingnan ngayon. Nakaakbay siya kay Glaiza. Ito yata ang kaunaunahang paghawak niya kay Glaiza ng hindi sinasadya. Ito ang mga sandaling nagsisimula ng umusbong ang damdamin niya para sa piloto.

"Love, malalampasan natin ito", bulong niya sa sarili habang kausap ang picture nila ni Glaiza, "Just hang in there..."

Sa paglalakad niya ay nakarating siya sa Clubhouse ng resort. Nakita niya si Jerson na nasa isang mesa. Solong umiinom ito ng wine. Hindi niya malapitan ito sa takot na baka gumawa ng eksena ang binata. Sa pagkakataong ito ay kailangan ni Jerson na mapag-isa. 

Sa tingin niya ay mahigit kalahating bote na ang naiinom nito. Nag-aalala man para rito ay hinayaan na lang muna niya na uminom ito. Mamaya na lang niya ito susunduin sa Clubhouse kung kinakailangan.

Habang pabalik sa casita ay muli niyang sinubukan na tawagan si Glaiza. Nag-ring lang ito sa kabilang linya pero hindi siya sinagot.

Kahit gusto niyang umuwi bukas para personal na kausapin ito ay hindi pwede. Bukas na kasi ang mobilization ng project nila. Hindi niya pwedeng ipagbilin sa Foreman ang lahat ng trabaho dahil kung magkakaroon ng problema ay siya ang mananagot sa management ng SamHwa. She can sacrifice her career for Glaiza. She can sacrifice her wages due to absentism. But at the moment, she cannot sacrifice the commitment she has made to her employer. Hindi lang naman kasi pangalan niya ang nakataya rito. Pangalan na ng SamHwa sa ilalim ng kanyang supervision ang pinag-uusapan dito. She must learn her priorities.

But then, kailangang bumalik siya agad sa Manila. Pero sisiguraduhin muna niyang maging maayos ang lahat dito bago niya pansamantalang iwan ang project. Maybe she can reschedule her flight on Friday morning instead of the previously booked which is Saturday morning. Kailangang magkausap sila ni Glaiza...

Tamang-tama. Friday morning din ang flight ni Jerson pabalik ng Manila dahil sa gabi naman ang flight nito pabalik ng New York. Siguro, sa araw na iyon ay malamig na ang ulo nito. Pwede niya itong samahan hanggang gate ng United Airlines bago niya puntahan si Glaiza.

----------

Habang nagmamaneho ay litong lito pa rin si Glaiza. Pero kailangan niyang mag-focus para sa ina na kailangang dalhin sa ospital. Sa likod na upuan ito nakaupo katabi ang Ate Maricris niya. Hindi pa rin tumitigil ang pagdurugo ng ilong nito na patuloy na pinapahiran ng tissue ng ate niya. Sa kanan naman niya nakaupo ang Tita Chato niya. Walang gustong umimik. Ang isipan ng lahat ay nakatuon sa kaligtasan ng kanyang ina.

Fly With MeWhere stories live. Discover now