Chapter 20 - Doubts

5.9K 357 79
                                    

Nakatalikod si Rhian sa pinto ng restaurant kaya hindi niya nakikita ang mga dumarating. Habang nagbabasa ng Los Angeles Daily News, narinig niya ang pagbukas ng pinto.

Good afternoon Sir! Good afternoon ma'am! Welcome to Jinya Ramen Express!" Sabi ng isang crew ng restaurant.

"Good afternoon!", boses ng isang babae.

Nakuha nito ang atensyon ni Rhian. The accent was similar to that of her girl back home. Napalingon siya sa dumating na pares. Napatingin din ang babae sa kanya.

Parang binuhusan ng mainit na tubig si Rhian, "Oh my! Glaiza?"

Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya si Glaiza ngayon. Hindi siya maaaring magkamali! Ang boses, ang mukha, ang taas at tindig nito. Hindi maaaring magkamali ang kanyang puso. Si Glaiza ang kaharap niya ngayon.

Nagulat din ito ng makita siya. "Rhian?"

Humawak ito sa braso ng kasama. Parang may kumurot sa kanyang puso. Boyfriend kaya ito ni Glaiza?

Nanlalambot man ay pinilit niyang tumayo.

"What are you, guys, doing here?" Pinilit niyang maging casual ang tanong. Nagbeso siya kay Glaiza.

"We're here to celebrate the New Year. I thought, you're in New York!"

"Oh yeah! But I have a project in Nevada". Napatingin siya sa kasama ni Glaiza

"By the way, Rhian this is Thibaut. Thibaut this is Rhian", introduction nito.

Inilahad ni Rhian ang kamay para makipagkamay. Pero sa halip ay kinuha iyon ni Thibaut para halikan "Glad to meet you Mademoiselle!"

Bahagyang siniko ni Glaiza si Thibaut at hindi nakaligtas 'yon sa paningin ni Rhian.

"Boyfriend kaya niya ang tutsang na ito?" Wika ni Rhian sa isip niya. "Nagseselos ba si Glaiza sa akin dahil humalik ito sa likod ng mga kamay ko?"

"Glaiza, why don't you invite your friend to join us in our table?"

"Yeah, sure! Rhi, it seems that you're alone. Why not join us?".

Gusto sanang tumanggi ni Rhian. Naiinis siya sa lalaking kasama ni Glaiza. While he is with her, ramdam niya na interesado ito sa kanya. "He subtly flirts while his girlfriend is around". Pero parang unethical naman yatang tumanggi. Baka naman nagiging judgmental lang siya rito.

With mixed emotions, lumipat siya sa napiling mesa ng mga ito. Good for four ang table. Nasa tapat ni Rhian si Glaiza at katabi nito ang inaakala niyang boyfriend na si Thibaut.

Maya-maya ay dinala na ng waiter sa mesa nila ang order ni Rhian.

—————————

Nagulat si Glaiza ng makita si Rhian sa loob ng restaurant na pinasukan nila ni Thibaut. Ang alam kasi niya ay nasa New York ito. Hindi siya nakahanda sa ganoong pagkikita. Para siyang mabubuwal ng mga sandaling iyon. Bahagya siyang nawalan ng lakas. Kung hindi siya nakakapit sa braso ni Thibaut ay baka bumigay ang kanyang tuhod. Sa loob ng mahigit isang taon, wala pa ring pagbabago ang epekto ni Rhian sa kanya. Tulad ng dati, nandoon ang mabilis na pintig ng puso... nandoon ang hindi maipaliwanag na damdamin. Tuwa. Kaba. At iba pa.

Bahagya siyang nainis kay Thibaut ng halikan nito ang likod ng kanang kamay ni Rhian. Hindi siya nakatiis kaya palihim niya itong siniko. Hindi kasi ganoon sa lahat ng babae si Thibaut. May mga nakilala rin itong mga babae sa Boeing pero ngayon lang niya nakitang ginawa nito ang paghalik sa kamay ng isang babae. Bahagya siyang nagselos. Hindi baleng magkainteres ito sa ibang babae. Huwag lang kay Rhian. No. Not with her Rhian.

Fly With MeWhere stories live. Discover now