Chapter 44 - The Sleepover

6.2K 290 201
                                    

Para kay Glaiza, napakagandang tingnan na inaalalayan ni Rhian ang kanyang nanay habang umaakyat sa hagdan. For her, it was priceless. At nakita niya na kumportable na rin ang kanyang ina sa presensiya ng kanyang girlfriend. Nakakagaan ng loob. Nag-uumapaw ang saya sa kanyang puso ng mga sandaling iyon. Tuluyan na ngang wala ng hadlang sa pagmamahalan nila ni Rhian.

Nauna siyang umakyat sa attic. Nandoon ang kwarto niya. Isa sa pagiging magkatulad nila ni Rhian ay ang paggamit ng attic bilang kwarto.

Inihatid muna ng girlfriend niya si Nanay Cristy hanggang pintuan ng kwarto. Pero hindi nagtagal ay kasunod na rin niya ito.

"Naka one point ka kay Nanay" biro niya

Natawa ito. Hinawakan niya ito sa kamay at hinatak para halikan.

"Love?... akala ko ipapakita mo ang mga guitars mo?" Nagulat ito.

"Kunwari lang 'yon, love..." bulong niya, "bukas ka na lang umuwi sa inyo, please... mag-sleepover ka dito ngayon".

"Whaaat?"

"Pleeeeeease..."

Tumango si Rhian. Alam niyang hindi tatanggi ito. Alam niya na hindi ito makakahindi sa puppy eyes niya. Baka nga kung pakiusapan niya ito na mag-extend ng another two days kasama siya ay pumayag pa rin ito. Pero ayaw naman niyang samantalahin ang weakness ng girlfriend niya... at ng weakness din niya... Tulad niya, may pamilya at kaibigan na dapat ding makasama ito habang nasa bakasyon.

Sigurado siya... This woman loves her. And she knows this woman is crazy about her. Like she does about this woman...

She locked the door. And crazily... they made love...

—————

January 6, 7:30 AM. Nagpaalam si Rhian sa mga Galuras. Bagaman at ayaw pa nilang maghiwalay ni Glaiza, wala naman silang magagawa dahil may iba rin silang commitment. They have their own family and friends. Gusto rin naman nilang bigyan ng panahon ang mga ito. They have to balance everything. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay damdamin ang dapat pairalin.

Naka-schedule si Glaiza na pumunta sa Valenzuela kasama ang mga magulang nito. They will stay there for the whole day. Gusto raw makita ng girlfriend niya ang flow ng sistema sa grocery nila at kung may dapat pang ayusin dito.

Siya naman ay dadaan sa condominium unit ni Jaime para hiramin si baby Tobie. She will baby sit tonight. Susunduin na lang daw ng kuya at sister in law niya kinabukasan ang bata. It's weekend tomorrow. At tulad ng nakasanayan, umuuwi ang mga ito sa Alabang para sa family dinner.

——————

January 8 being Sunday, pinuntahan naman niya sa condominium unit nito ang bestfriend niyang si Bianca. Masaya siya dahil ngayon lang ulit sila nagkita pagkatapos ng apat na taon. Noon kasing umuwi siya two and a half years ago ay hindi sila nagkaroon ng chance na magkita. They were about to meet. But she opted to cancel dahil noong panahon na iyon ay miserable ang buhay niya. Kasalukuyan niyang dinaramdam noon ang paghihiwalay nila ni Glaiza.

Nagluto si Bianca ng pasta para sa kanya. She stayed in her bestfriend's house for six hours. Halos hindi maubos ang kwentuhan nila.

"Ano ka ba Rhi, you are too obvious! You are always talking about Glaiza" biro nito sa kanya. Madalas kasi na naire-relate niya kay Glaiza ang iba't ibang topic na pinag-uusapan nila. Ganoon naman talaga. Kung mahal mo ang isang tao ay lagi mong naaalala ito kahit sa simpleng bagay lang na may kaugnayan dito.

"I'm sorry B" niyakap niya ito

"You're really inlove. I can see the glow in your eyes every single time you talk about her".

Fly With MeWhere stories live. Discover now