Chapter 27 - The Test

6.1K 380 74
                                    

Pumasok si Mr. Howell sa kabahayan at dumiretso sa kwarto sa itaas. Nang makita ito ni Rhian ay may pag-aalalang lumabas ito ng balkonahe. Kasunod niya ang kanyang Lola Jovita at Tita Ida. Nakita niyang tahimik na lumuluha si Glaiza habang hinahagod ng mommy niya ang likod nito.

"Glai, what did my father do to you?" naroon ang pag-aalala.

Umiling lang si Glaiza. Hinatak niya ang isang upuan at paharap na naupo sa may tagiliran ni Glaiza. "Tell me, what did he do?".

"Rhi, I'll just go upstairs" wika ng mommy niya. Tumango siya.

Nakaunawa naman ang lola at tita niya na kailangan nila ng privacy sa pag-uusap. Pumasok na rin ang mga ito sa loob ng bahay.

Pinunasan niya ng kamay ang luha nito. "Do you wanna go somewhere else? Gusto mong lumayo sa bahay na ito?"

"No, Rhi. I'm ok. Kaya ko ito. Mas lalong magmumukhang duwag ako sa pagharap sa daddy mo kung lalayo tayo".

"Please tell me, what did he tell you?"

"Rhi... he offered me money... just to leave you."

"Whaaaaat? aaaand?"

"Of course I didn't accept. I told him to kill me first before I leave you".

Hinawakan niya sa kamay si Glaiza. Hindi siya makapaniwala na may ganoon na palang pangyayari may ilang metro lang ang pagitan sa kanila kanina.

"And how much did he offer?"

Hindi sumagot si Glaiza.

"Please tell me."

"It's no longer important Rhi".

"But I want to know".

"One... one hundred million pesos".

"Whaaaat?"

Mabilis siyang tumayo para puntahan ang ama, pero mabilis ding nahawakan ni Glaiza ang kamay niya.

"Rhi, please huwag mo na siyang puntahan. Mas lalala lang ang problema kung magkakaroon pa kayo ng argumento dahil sa akin".

"I can't believe he can do this!"

"Rhi, please stay here. I need you here". Iyon lang ang paraang naisip ni Glaiza para hindi na niya sugurin ang ama.

Niyakap niya si Glaiza. Nararamdaman niya ang sakit na naramdaman nito ngayon dahil sa pang-iinsulto ng kanyang ama. Nasasaktan siya para rito. Kung pwedeng siya na lang ang sumalag ng sakit ay gagawin niya... huwag lang masaktan si Glaiza...

———————

Pagpasok ng kwarto ay agad nagtanong si Mrs. Howell sa asawa, "why did you do that? You are buying your own daughter from the person she has chosen to love!"

Nakaupo ito sa gilid ng kama habang nakatukod ang dalawang siko sa magkabilang hita at sapo ng kamay ang ulo.

"I'm sorry... but I have to do that"

"Why Gareth? What's in your mind?"

"I just wanna make sure that she truly loves our daughter; that she's not after the inheritance. I can risk of losing one hundred million pesos to make sure that our daughter will be in good hand".

"My goodness Gareth! Rhian is too intelligent to know if Glaiza is just taking advantage of her!"

"If the person is inlove he or she tends to be blind of the real situation"

"And what now? Rhian has a high respect on you. What if she learns about it?"

"She will understand... maybe not now. But eventually, she will..."

Fly With MeWhere stories live. Discover now