Chapter 15 - Confession

5.9K 297 58
                                    

"Hello!", boses ng lalaki ang sumagot kay Glaiza

"Hi! May I speak with Rhian?" Lakas loob niyang sabi, bagama't nahuhulaan na niya kung sino ang kausap niya sa kabilang linya. Alam niyang si Jerson ito, ang boyfriend ni Rhian.

"She's in the shower room right now", sagot nito

Maya-maya ay may narinig siyang boses.

"Babe, who's that?", boses ni Rhian.

"The caller ID says it's Glaiza", boses ulit ni Jerson

Pagkarinig no'n ay nanghina ang kanyang tuhod. She tapped the red icon of the phone to cut the call. They are in one room. Rhian and her boyfriend. And Rhian sweetly called him 'Babe'!

Hindi niya kayang kausapin si Rhian ngayon. Nilalamon ng selos ang kanyang sistema. Baka masumbatan niya ito kahit hindi naman dapat. Baka lalo lang gumulo ang sitwasyon nila. Nangako ito sa kanya kahapon na aayusin niya ang lahat. Pero bakit kasama niya ito sa Amanpulo? Nasasaktan siya. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya. Hindi niya ito kayang sarilinin lang. Kailangan niya ng outlet. Kailangan niya ng makikinig at makakaunawa sa kanya. Pero sino? Sino? Naalala niya ang kanyang Tita Chato. Mabilis siyang nag-impake. Uuwi na siya ngayon sa Angeles. Bukas pa dapat ng umaga siya aalis pero ngayon na lang. Siguro ay mauunawaan siya ng kanyang Tita Chato. Siguro ay makikinig ito sa kanya.

Tumutulo ang kanyang luha habang nagbibihis. Pero kailangan niyang pawiin iyon. Ayaw niyang makahalata ang Nanay niya at ang kanyang Ate. Alam niyang hindi nakahanda ang mga ito na malaman ang pinagdadaanan niya ngayon. Nagsuot siya ng sunglasses para hindi makita ng mga ito ang namumugto niyang mga mata.

Bumaba na siya para magpaalam habang bitbit ang luggage na puno ng damit para sa loob ng isang linggo.

"Nanay, uuwi na po ako ngayon sa Angeles. Mahirap po kasi kung bukas pa ako aalis. Mahirap pong gumising ng maaga bukas", pagdadahilan niya.

Bagama't may pag-aalala ay pumayag na rin ang kanyang ina, "Oh siya. Mag-iingat ka sa pagmamaneho anak", tumango lang siya at nagmano sa ina.

"Ate, mauuna na ako", hinarap din niya ang mga pamangkin, "maiwan ko na kayo. TJ, huwag pasaway ha?"

Pagkatapos no'n ay tumalikod na siya. Sinamahan siya ng pamangking si TJ sa garahe para igiya sa kanyang paglabas.

"Maricris, may napapansin ka ba sa kapatid mo?" Tanong ni Nanay Cristy sa panganay na anak.

"Bakit po 'Nay? Parang malungkot lang po"

"Nag-aalala ako para sa kanya. Kahapon ko pa napansin na mugto ang kanyang mata. Kahit hindi siya nagsasalita ay ramdam ko na may pinagdaraanan siya".

"Napansin ko rin 'yan 'Nay. Kanina habang kausap niya sina TJ, parang nawawala siya sa sarili. Nandoon lang pero hindi nakikinig".

"Sundan kaya natin ang kapatid mo. Baka kung ano ang mangyari sa kanya. Mahigit isang oras lang naman ang byahe papunta sa Tita Chato mo. Baka kung ano na ang problema niya".

Dahil dito ay nagpaalam sila sa kasambahay ganoon din kay TJ na aalis muna sila. Twenty-three years old na si TJ at tapos na ng college. Dati namang naiiwan ito sa mga kapatid sa tuwing umaalis ang ama at ina lalo na kapag may bible study. Babalik din naman sila ngayong gabi. Mabilis na nagbihis si Nanay Cristy habang naghihintay ang anak na si Maricris sa kotse nito.

-----------

Nag-aalala si Rhian. Hindi sinasagot ni Glaiza ang mga tawag niya. Alam niyang masama ang loob nito dahil nalaman nito na kasama niya si Jerson. Kahit naman siguro sino ay ganoon ang mararamdaman. Pero gusto niyang ipaliwanag dito ang lahat. Gusto niyang alisin ang pag-aalala nito. Disenteng tao si Jerson at alam niyang hindi siya nito pipiliting gawin ang mga bagay na ayaw niya.

Fly With MeWhere stories live. Discover now