Alam ni Rhian na hindi convenient ang pagkakaroon niya ng relasyon sa kapwa babae. Hindi ganoon kadali na makumbinse ang mga tao sa paligid niya. High profile ang pamilya niya. Tinitingala sa lipunan. Ang pagkakaroon ng isang Glaiza sa buhay niya ay siguradong hindi nila magugustuhan. Pero gagawin niya ang lahat para ipaunawa sa kanyang mga magulang na nagmamahalan sila; na si Glaiza ang bumuo ng pagkatao niya; na masaya siya sa piling ni Glaiza. Basta bahala na. Kahit ano ang mangyari ay ipaglalaban niya ang babaeng minamahal.
"Hi love! How's your trip?" Kausap niya ito ngayon via Skype.
"Ok naman. I slept while in the plane, pagkatapos kumain".
"How's Thibaut?"
"Why are you interested to know about him?"
Natawa siya. Gusto niyang nakikita na nagseselos ito. Pero bumawi siya agad, "love, miss na kita".
Bumuntong-hininga si Glaiza, "I miss you too. Ngayon pa lang nahihirapan na ako".
"Ako rin naman eh. Pero siguro, kailangan din natin magkalayo para mas maging matibay ang ating relasyon"
"Well, you are right."
"Love, hindi mo ba nami-miss yung ano?"
"Anong ano?" Nakangiti ito. Alam na ang ibig niyang sabihin.
"Hmmm.... ako" sabay kumpas ng kamay mula ulo pababa.
"Miss na miss na miss... " sagot nito, "ikaw, hindi mo nami-miss?"
"Medyo. Pero kahit wala yon, basta nasa tabi kita, masaya na ako"
"Talaga?" Si Glaiza
"Oo naman.... saka love, may napatunayan ako" si Rhian
"Ano 'yon?"
"Na 'pag hairy raw ang isang tao, he or she is hot in bed"
"Saan mo naman nalaman yan? Hairy ka rin naman 'di ba? Golden brown lang ang sa iyo, ang sa akin medyo black"
Sabay silang nagtawanan.
"How did you learn of pleasing a woman? Were you on this before?" Tanong niya kay Glaiza
"No. You're the first one. Ang nasa isip ko kasi pag magkasama tayo ay kung paano ka magiging maligaya. It's just an instinct" Pagkatapos ay ito naman ang nagtanong, "how about you? Have you done this to a woman before?"
"No. You're also my first one. And everytime I want to please you, everything becomes natural".
"If you are not selfish enough in bed, everything will become natural... " pagsang-ayon ni Glaiza.
"Love" si Rhian ulit
"Hmmm?"
"Sa tingin ko alam na ng parents ko ang tungkol sa atin".
"Huh? How did you know? How did they know?"
"Kausap ko sa phone ang daddy ko kanina. He told me that I need to explain something. They will be in Texas for vacation a few days from now". Tumayo siya para magtimpla ng kape, "maybe they've seen our photos on IG".
"Bakit kasi nag-post ka? Malamang makikita nga nila 'yon. I mean, sana nagsabi muna tayo sa kanila bago ka nag-post ng photos na magkasama tayo".
"It's ok love. It's a strategy. I intentionally posted our photos para talaga makita nila. It's a mind-setting. By the time na aminin ko sa kanila ang tungkol sa atin, nakahanda na sila".
"Do you want me to be there with you when you talk about us with your parents?"
"Ako na lang love. Kaya ko na ito".
YOU ARE READING
Fly With Me
Fanfiction(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No. 5 Mar 26 - No. 6 Highest rank under Rastro story From June 16 to July 12 - No. 1 Highest rank under GlaizaDeCastro story: July 8 to 12 - N...