Epilogue

7K 382 219
                                    

August 22, 2025. New York City Marble Cemetery. Nakatayo si Glaiza sa harap ng isang puntod. Hawak niya ang isang basket na may iba't ibang bulaklak. Sa magkabilang tagiliran niya ay may dalawang batang babae. Ang kambal na sina Mych (sounds as Mitch) at Chael (sounds as Kayl).

Mahina ang boses ni Glaiza habang kausap niya ang nasa puntod.

"Thank you very much for everything. You've done a lot for us without you knowing it".

Kumuha si Mych ng dalawang roses mula sa basket. Ibinigay ang isa kay Chael. "Take this. Let's put these flowers on the tomb"

Nangiti si Glaiza sa ginawa ng anak na si Mych. She is a loving daughter and sister. May pagka pilya nga lang kung minsan. She's a little sweet bully to her twin sister. She's like a mini Rhian.

Chael is a quiet type. Not shy though. But at the age of 5, she can already sing. Chael is a mini Glaiza.

Parehong matalino ang mga anak niya. Based on her observation, both are good in numbers and literary arts. Bihira kasi sa bata ang ganoon. Well, mana kasi sa parents. Napangiti siya sa isipang iyon.

Ibinaba niya ang mga bulaklak sa puntod... habang ang kanyang mga anak ay nagtatakbuhan sa bermuda grass, lumuhod muna siya para alisin ang mga natuyong bulaklak sa flower base na naroroon. Pinalitan niya ito ng bago...

"Mommy, mommy!" Narinig niyang sigaw ng dalawang bata. Nilingon niya ang mga ito. Tumatakbo para salubungin ang isang white Mercedes Benz C-Class sedan na kasalukuyang nasa pathway ng memorial park. Pero hindi lumapit ang mga ito habang hindi pa humihinto ang sasakyan.

Lumabas sa driver's seat ang babaeng pinakamaganda sa paningin niya. Her wife for 6 years. Si Rhian. Her wife is now 35 years old. Pero walang ipinagbago ito. Maalaga pa rin sa sarili... sa kanya at sa kanilang mga anak...

Niyakap nitong magkasabay ang kambal na sabay namang humalik sa pisngi nito.

"You're sooo sweet! Mwah! Mwah!" Wika nito sa kambal.

Sinalubong niya ang kanyang mag-iina. Hinalikan niya sa labi si Rhian.

"How's your meeting?"

"It was ok, love. It's confirmed! We won the bidding for the construction of the new airport in Washington!"

"Really? Nagagamit mo talaga ang iyong charm and wit para manalo sa bidding?"

"Excuse me! That's unfair, love... We won the bidding because we just deserved it!" Depensa nito.

Well, totoo naman ang sinabi nito. Buhat ng maging General Manager ng USA offshore office si Rhian ay nagkasunod sunod na ang project ng SamHwa. Mayroon na rin silang offices sa Houston at Washington.

Rhian is good in time management. May tamang manpower allocation ito sa bawat job kaya naman hindi kailangang mag overwork ang kanyang mga staff. In effect, hindi rin ganoon ka-stressful para sa kanya ang trabaho bilang General Manager. She makes complicated job simple...

Kaya naman bilib na bilib siya sa asawa niya... ang superwoman ng buhay niya... at ng kanilang mga anak...

——————-

It was five years ago. She was in RMANY clinic. She was in severe pain. Ramdam niya na parang nag-uunahang lumabas ang kambal sa kanyang sinapupunan. It seemed that each wanted to survive. Hanggang makita niya ang isang sanggol na itinaas ni Dr. Lambert. Umiyak ang sanggol. Gusto niyang magdiwang. Gusto niyang matuwa. Subalit nananaig ang sakit na nararamdaman niya habang papalabas ang kanyang bunso. At muli, nakita niya ang isa pang sanggol... Dalawang sanggol na sa simula pa lang ay minahal na niya... dalawang sanggol na ang binhi ay nagmula sa pinakamahalagang tao sa kanyang buhay ... si Glaiza...

Fly With MeWhere stories live. Discover now