Chapter 17 - Choices

5.5K 354 82
                                    


Miyerkules ng hapon, inilabas na ng pamilya ni Glaiza ang kanyang Nanay sa ospital. Naging stable na ang kalagayan nito sa loob ng dalawamput apat na oras. May mga gamot na ibinigay ang doktor sa kanila para magtuloy-tuloy na raw ang maayos na kondisyon nito. May prescription din ang nasabing doktor para sa maintenance ng kalusugan ng kanyang Nanay.

Alam na ng Tatay ni Glaiza ang nangyari. Alam na nito ang dahilan ng pagtaas ng presyon ng asawa. Pero walang narinig na salita si Glaiza mula sa ama. Ang totoo ay nakakaramdam pa nga ito ng guilt dahil sa pakiramdam niya ay siya ang nagmulat sa anak para magkaganito. Bata pa lang si Glaiza ay binibihisan na nila ito ng damit panlalake. Tuwang tuwa siya kapag nakikitang nakasuot ng pangbasketbol ang anak. Minsan nga ay ibinili pa niya ito ng baril-barilan. Siguro nga, isa rin siya sa dahilan para maimpluwensyahan ang interest ng kanyang anak.

Si Tatay Boy ang nagmamaneho ng Ecosport. Katabi nito sa harapan si Maricris. Sa likuran naman nakaupo si Glaiza katabi ang kanyang Nanay. Ang van naman ay minamaneho ni Alchris kasama si Mavs na kadarating lang mula sa Bacolod kagabi. Ang van na rin ang maghahatid sa kanilang Tita Chato.

Pagkagaling sa HGC noong Lunes ng hapon ay halos hindi na humiwalay si Glaiza sa ina. Parang doon siya kumukuha ng lakas at tamang justification para tuluyang kalimutan si Rhian. Inihilig niya ang ulo sa balikat ng ina na parang naglalambing. Gusto niyang bumawi rito. Siya ang mag-aalaga rito habang wala pa siyang bagong trabaho.

"Cha, anak..." maya-maya ay nagsalita ito. "Makakalimutan mo rin siya. Narito kami para tulungan ka. Ang mahalaga naging masunurin kang anak. Mas pinili mo ang pagsunod sa Panginoon". Hinahagod nito ang kanyang kamay sa pagbabakasakaling makatulong ito para makalimot siya.

Hindi kumibo si Glaiza. Hinawakan lang niya ang kamay ng ina para bigyan ng assurance na tuluyan na niyang kakalimutan si Rhian. Nagdurugo man ang kanyang puso ay kakayanin niya ang lahat para sa buong pamilya.

--------------

Tinanong ni Rhian sa Information kung anong number ang casita ni Jerson. Dadalhan niya ito ng pagkain. Base kasi sa billing record ng resort ay hindi ito kumain ng lunch kanina. Pero laking pasasalamat niya dahil nag-breakfast naman daw ito.

Good for two persons ang in-order niya. Not so healthy diet but something they will both enjoy - krispy pata and two veggie menus. Tamang tama dahil mag-iikaanim na ng gabi. Sana hindi na galit ito. It's Wednesday and they're not talking for almost three days now. She values their friendship. Basta ita-try lang niyang i-approach ito. Bahala na kung ano ang magiging reaction ng binata. But she has to do something to preserve their friendship.

Casita No. 36. Yan ang ibinigay na number ng Information. May kasama siyang attendant na nagdala ng isang tray ng pagkain. Sila yung mga waiter na kadalasan ay nagdadala sa mga casita kapag may room service. Pagkaakyat sa hagdanan ng casita ay ibinaba ng attendant ang pagkain sa coffee table. Nagpasalamat si Rhian at nagbigay ito ng tip bago tuluyang umalis ang waiter.

Wala si Jerson sa casita. Inilibot niya ang kanyang paningin. Nakita niya ito sa beach lounge na hindi kalayuan. Lumakad siya palapit dito sabay ang pag-asam na sana ay maging maayos ang kanilang paghaharap.

Paglapit sa lounge na kinaroroonan ni Jerson ay agad napansin ni Rhian na tila marungis ito dahil sa mga bagong balbas na nagsisimulang tumubo. He looks wasted. Nakapikit ito at tila hindi napapansin ang kanyang paglapit. Nakasuot lang ito ng boxer shorts. Kung tulad ng dati ay mauupo siya sa tabi nito para makuha ang atensiyon. Pero sa pagkakataong ito, hindi niya magawa iyon. Sa suot niyang top with spaghetti strap at denim shorts, it's not appropriate to seat beside him. Hindi na niya boyfriend ito. At baka magkaroon ng ibang kahulugan sa binata kung mauupo siya sa tabi nito.

Fly With MeWhere stories live. Discover now