Chapter 26 - I'll Fight For You Too

5.8K 376 54
                                    

Alam ni Mr. Howell na hindi niya basta mapipigilan si Rhian sa gusto nito. May sarili itong pag-iisip at lumaking may sariling disposisyon sa buhay. Naging independent ito sa kanila buhat noong tumuntong ng college. Lumaki at nagkaisip ito sa western country kung saan karamihan sa mga naninirahan ay liberal ang pag-iisip. Pero ama siya. At ang lahat ng pagsisikap niya ay para sa asawa at dalawang anak. Ito ay kanyang tagapagmana. Hindi niya papayagan kung sino lang ang papasok sa buhay ng anak niya lalo na kung may iba pala itong motibo.

Tulad ni Glaiza ay nagsimula rin siya bilang isang struggling na empleyado. Pero tinanggap siya ng pamilya ng kanyang asawa kahit nagmula ito sa mayamang angkan. Noong umpisa ay pinalad lang siya na magkaroon ng isang residential house na proyekto. Mula doon ay nagkasunod-sunod na hanggang gumanda ang kanyang portfolio at nagkaroon ng opportunity sa isang high-rise building. Doon na nagsimula para kilalanin ang kanyang kumpanya sa buong bansa. Bagaman at isa siyang dayuhan, nagkaroon siya ng puwang sa Pilipinas sa pamamagitan ng asawang Filipina at ng matagumpay na negosyo rito. Hanggang ang lisensiya niya bilang contractor ay umabot na rin hanggang sa ibayong dagat.

Pero iba siya. Iba si Glaiza. Anong kinabukasan ang ibibigay nito sa kanyang anak. Ang pangarap niya na magkaroon ng apo sa kaisa-isang anak na babae ay tila hindi na matutuloy. Ang pangarap niya na magkaroon  ng manugang na makakatulong sa kanilang negosyo ay parang hindi na matutuloy. Her only daughter is a lesbian. She is in love with a woman. And he is still in denial!

Alam niyang mahusay na bata si Glaiza. Hindi niya ito pinili sa roster ng mga candidates na nag-apply sa kompanya nila kung hindi impressive ang record nito - both experience and scholastic. This girl is very smart. Pero hindi siya makapaniwala na sa loob ng maigsing employment period nito sa HGC ay may naganap na pala sa pagitan nito at ng kanyang mahal na anak. Kung paano ay hindi niya maintindihan.

Kailangan niyang makausap si Glaiza. Gagawin niya ang lahat para hiwalayan nito ang kanyang anak hanggang hindi pa huli ang lahat.

——————-

Kausap ni Rhian si Glaiza ng gabing iyon para sabihin ang gustong mangyari ng ama.

"Love, ok lang kahit hindi ka dumating. I will understand", wika ni Rhian.

"No love. Kailangang pumunta ako riyan. Pagkakataon na para ipaglaban natin kung ano ang meron tayo ngayon. Nakahanda ako kahit murahin pa ako ng buong pamilya mo; na insultihin nila ang pagkatao ko; na saktan nila ako".

"Ano ka ba naman love. Hindi ko naman papayagan na mangyari ang ganoon sa iyo".

"I'll be the one to book for my plane ticket. Ayaw kong kumuha ng kahit isang sentimo sa pamilya mo sa pagpunta ko riyan".

"Hayaan mo nang ako ang mag-book ng ticket mo love. I can use my credit card. Hindi naman kailangang sabihin sa kanila na ako ang nagbayad ng ticket mo".

"Noooo... hindi naman ako ganoon kahirap para iasa ang pagbabayad ng ticket ko sa iyo".

"I know. But we were the one who invited you to come here".

"It's final Rhi. I'll be the one to book for my ticket. I'll pay for this and that's my decision".

Walang nagawa si Rhian. Ganoon pala ang girlfriend niya. Somehow, mas lalo niya itong hinahangaan. Pero alam din niya ang pagpapahalaga nito sa bawa't sentimo mula sa kinikita. It will cost Glaiza a total of approximately USD250 including local transportation just to be with them by the weekend. Para sa daddy niya, balewala ang halagang iyon. Pero kay Glaiza, malaki na ang maitutulong ng halagang iyon para sa araw-araw na pangangailangan.

—————-

Kinabukasan ay sinabi niya agad sa ama na darating si Glaiza.

"Dad, Glaiza will be here on Saturday by 1:30 PM. She will take 6:55 AM flight via United Airlines".

Fly With MeWhere stories live. Discover now