Chapter 2: Hotseat

8.6K 230 11
                                    


MIANNA

Iniwan ko na si Aizel sa dorm at umalis na agad ako base sa schedule na binigay niya sa akin kagabi.

Naglalakad ako ngayon sa main way kung saan dito raw ako dumaan para mapadali. May ibinigay din siyang mapa ng university para hindi ako maligaw. Sa ngayon, kakalagpas ko lang sa main way at nandito na ngayon ako sa benches kung saan puro benches nga.

Malamang!

Kaunti lang ang mga estudyanteng nandito. Marami pa talaga akong dapat malaman tungkol dito sa university.

Should I investigate?

Hindi naman kasi ako detective para mag-imbestiga pero madali ko nang malalaman ang lahat kasi mayroon akong friend. Kaibigang hindi ko pa masyadong kilala.

Friend ko nga ba siya?

Habang naglalakad ako ay 'di ko na namalayan na nandito na pala ako. Humarap ako sa pintuan at naghanda para sa aking pagpasok.

This is the first time na papasok ako sa ganitong room. Sa ganitong school. Huminga muna ako nang malalim bago ko hawakan yung pinto. Hindi pa rin kasi ako maka get over dun sa nangyari kagabi.

Pagpasok ko palang sa room na iyon ay ramdam ko na ang iba't ibang aura na bumabalot sa katawan ko.

Nakakapangilabot. Ang uncomfy sa feeling.

May iba yata na nanlilisik ang mga mata sa akin. May iba namang mas matalim pa sa kutsilyo kung tumingin. Pero may iba namang umiiwas na lang ng tingin na akala mo'y mamamatay sila kapag tinignan nila ako.

Maganda ka lang Mianna, maganda ka lang.

Tiningnan ko ang prof namin bago pa ako humakbang nang paunti-unti. Naka salamin siya at medyo matangkad. Ngumiti siya nang mapait saka ibinaling ang atensyon sa mga estudyante—sa mga magiging kaklase ko.

"Ms. Asuncion, please introduce yourself in front of the class." sabi ng prof namin.

Pumunta ako sa gitna sa harap ng teacher's table at nagpakilala.

"Hello, I'm Mianna Asuncion, Nice to—" bago ko pa maituloy ang speech ko ay biglang bumukas nang marahas yung sliding door. Taray, sliding door.

Ang harsh naman ni kuya, mukhang na-late siya ngayon sa klase.

Nagtataka lang ako kung bakit hinahayaan lang ng prof namin na gawin niya yun sa buong klase. Ambastos lang ng dating sa'kin. For me lang ah?

Ano ba siya rito at sino ba siya?

Tumingin sa'kin yung bagong dating kaya napaiwas ako ng tingin. Emeged. Umupo siya sa bandang likod katabi nung isa pang lalaki doon.

"Ms. Asuncion, please take your seat between Mr. Wolf and Mr. Mendez." sabi sa akin ni prof.

Ha?

Hindi pa naman ako tapos sa speech ko ah? Pero okay lang siguro kaysa naman ikamatay ko pa ang mga titig ng mga kaklase ko.

I'm a brave and strong girl, you know?

Outside....chereret

Pinaupo ako sa tabi ng bagong dating sa likuran.

Oh my god! Pinag-gigitnaan ako ng mga gwapo—char!

Pero yung totoo, nakakaramdam din ako ng takot lalo na dun sa pumasok kanina na kulang na lang, sirain yung pinto!

----

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon