Chapter 17: Poisoned

4.1K 128 6
                                        

AIZEL

Akala ko makakatakas na kami. Akala ko magiging tahimik na ulit kahit papaano. Pero nagkakamali ako dahil tumambad agad sa amin si Ivy sa pintuan ng cafeteria. Para bang tumigil ang oras ng sandaling makita namin siya. Lalo akong kinakabahan.

Nahuli niya kami?

Ano naman ang kailangan niya sa 'min?

Kailangan kong mag-isip kung paano ko mapapaalis 'tong babaeng 'to rito.

Mabilis ang bawat pagkilos na umuna ako kay Timothy para para itulak si Ivy papalabas na cafeteria. Sinigurado ko munang nakataob ang impakta bago kami tumakbo na hindi alam kung saan pupunta.

Sakit din kaya sa legs!

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Gate." tinip na sagot ni Timothy.

"What do you mean? Tatakas tayo? Pero baka mahuli nila tayo, guys. Sandali. Ayokong mas lalong malagay sa peligro buhay natin." sambit ni Mianna habang patuloy pa rin kami sa pagtakbo.

Kumaliwa kami sa isang pasilyo at dumiretso sa pagtakbo.

"Oo parang gano'n na nga. Kailangan na nating maka-alis sa lugar na ito sa lalong madaling panahon. Or else, baka hindi na tayo makalabas dito ng buhay."saad ni Timothy.

"Pero 'di ba, 'di ba wala na raw daan doon? Nag iisip ka ba Timothy? Anong nangyayari sa'yo? " kunot-noong anong ko.

"Fuck. I don't know anymore. Magbabakasakali. Maraming gang outside dormitoies kanina. Hindi rin naman tayo pwedeng bumalik agad sa dorm dahil huhunting-in nila tayo. At kung wala talaga, hahanap tayo ng daan palabas. Magpa-plano." wika ni Timothy.

Tumango lang kami ni Mianna at pumunta sa gate na kung saan kami pumasok noon.

Mabigat ang langit kahit hindi pa nagtatakip-silim. Tila nagbabadya ng malakas na ulan kasabay ang malamig na bugso hangin. Tunog ng mga humuhuning uwak. Ngayon lang ako nagkaroon ng tapang maghanap ng daan palabas. Delikado kasi ang paghahanap. Lalo na sa ganitong sitwasyon. Sa ganitong oras.

Matagal na akong nandito pero ni minsan, hindi ko nagawang tumakas. Sabi nga ng ilang kaklase namin, walang sino man ang pwedeng makatakas sa lugar na ito.

Kami pa kaya?

Namilog ng mga mata kong wala nang gate na sumalubong sa amin. Tila rehas na lamang ito na walang bukasan.

"Paano na 'yan?" tanong ni Mianna.

"Let's take this way." suhestyon ni Timothy.

Tumakbo ulit kami sa bandang kaliwa. Naghahanap ng exit kung mayroon man. Ng tatakasan. Kailangan naming magmadali. Tumatakbo ng mabilis ang oras at indi pwedeng—

"Mianna!" sigaw ko nang makita kong biglang matumba si Mianna. Agad akong lumapit nang makita ang isang palasong tumama sa binti ni Mianna.

"Bakit may ganito? Hindi ba't ginagamit lang ito kapag..." sambit ni Timothy bago kasunod na tumumba.

'Di ko na namalayan na natamaan na rin pala si Timothy sa kanyang kanang braso

"Timothy!" sigaw ko sabay lapit kay Timothy.

"Well, well, well..."sambit ni Ivy sa 'di kalayuan na may dalang pana.

Favorite line niya ba yon?

Hindi ko na alam ang naging kilos ko. Kahit pa kaibigan ko sila, hindi ko nagawang 'wag silang iwanan. Inuna ko ang sarili kong tumakbo papalayo.

Ngunit wala pang sampung segundo nang mapana rin na niya ako sa kaliwang braso ko.

Bloody University: The Last SectionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon