MIANNA
Ginising ko na sila para pumasok. Nag coffee na lang ako at hindi na nag breakfast kasi nga busog pa ako. Tinatamad na rin ako i-kwento lahat ng mga nangyari kanina so fast forward.
Akalain mo 'yon? Nabusog ako?!
Naglalakad ako ngayon sa main way nang makarinig ako ng isang mahinang kaluskos kung saan. Hindi ko masasabing isang pusa o wala lang yon. Malakas ang kutob ko na higit pa sa pusa ang naramdaman. Malakas ang dark aura niya.
Potrages! Eto na naman this!
Binilisan ko ang lakad ko upang makalayo sa lugar na 'yon.
Ke' aga-aga istorbo!
Tumakbo na ako dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang napakalakas na aura niya na sobrang creepy.
At sa wakas, nandito na ako sa room. Pagpasok ko ro'n ay tumambad sa akin si Tiger na mag isa lang sa room. Masyado pa kasing maaga.
Lalabas na lang ako!
Di ko siya pinansin dahil masama na naman ang topak nitong lalaking ito. Sobrang creepy na nga sa labas. Hanggang dito ba naman?
Mga ilang minuto rin kaming nasa gano'ng sitwasyon nang biglang tumayo siya sa pagkakaupo at umupo sa upuang nasa unahan ko.
Tinignan ko lang siyang baligtarin ang upuan na iharap sa 'kin.
Problema mo?!
Umupo siya na parang may mahalaga kaming pag uusapan. May meeting daw kayo, Mianna.
"Anong kailangan mo?" direktang tanong ko.
"You."
Bituka ko?
"Anong ako?" tanong ko ulit pero hindi niya ako sinagot.
Ang sarap kausap!
Ay oo nga pala, 'di pa nga pala ako sa kanya nakakapag thank you nang maayos sa pagbigay niya ng badge sa 'kin.
May utang na laman loob ka Mianna!
"Ehh, t-thank you," sambit ko na hindi man lang sinulyapan ang makapal na mukha niya.
"Sabihin mo sa akin 'yan sa harap ko mismo," utos niya.
"Thank you," sambit ko na hindi pa rin natingin sa mga mukha niya—maging sa mata nya.
"Again."
"Edi salamat!"
"What the fuck?!"
"Ano ba kasing kailangan mo!?"
Hindi na naman niya ako sinagot! Sarap mong ikaskas ang mukha sa pader!
"Ano ba? Ayusin mo na 'yang upuan diyan at pumunta ka na sa upuan mo, pwede ba?" utos ko na nakatingin na sa kanya.
"No."
"Piss off!" sambit ko na para bang mabigat sa loob ko nang sinabi ko 'yon.
"Ayoko." This person really needs psychological assistance!
"Umalis ka na!"
"Nope!"
"Aalis ka o sisipain ko 'yang ano mo!"sigaw ko tapos tinuro ko yung ano niya... basta yung ano!
"Pervert," dinig kong sambit niya.
"Anong pervert ka dyan!? Binabantaan kang kita gagu!"
"Bakit 'di mo nalang kunin ang puso kong patay na patay sa'yo?" natigilan ako do'n sa sinabi niya.
Hindi dun sa birdie kung hindi dun sa mga sunod na sinabi niya. Si Lyon lang ang mahal mo Mianna!
"Bakit ang hilig mong mag-imagine na totoo ang sinabi ko?"
Tinignan ko sya ng masama.
"Dream on," sambit niya bago bumalik sa kanyang upuan.
Maya maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwal nito si Steven na fresh na fresh pa ang buhok.
Nakaisip ako ng plano. Pero risky, pero bahala na! Titignan ko lang naman kung may gusto sa 'kin 'tong tigre na to. Walang mag-a-assume for today's video!
"Sweetie!" sigaw ko sabay lapit kay sweetie—este kay Steven at niyakap pa siya. "Favor," pabulong na dugtong ko pa.
Kumalas naman ako sa pagkakayakap. Alam kong naiintindihan niya ang mga sinabi ko at alam kong sasakyan niya ang mga trip ko. Eme. Hindi ako sure pero bahala na. Lumalabas na naman ang sira-ulong Mianna!
"Bakit, Sweetie?" tanong niya.
"Kumain ka na?"
"Oo kumain na ako para sa'yo," sagot nya at hinawakan ang baba ko para sweet.
Umiiling iling naman akong ikiniskis ang ilong ko sa kanya. Sa peripheral vision ko, kapansin pansin Tiger na nakakatakot kung tumingin sa amin.
Patay ka Mianna!
Hinawakan ko ang pisngi ni Steven para mas sweet. Mamatay ka sa selos, gago!
"May I remind you two na classroom ito at hindi bar? Kung gusto niyong maglandian, doon kayo sa labas," sambit ni Tiger nang makalapit sa amin.
Sus! Selos ka lang! Mabaog ka sana!
"You two broke the rules. So you have to be punished."
"Pinagsasabi mo naman d'yan? Anong punishment? Si president lang ang pwedeng magpataw ng parusa!"
"I don't care. Kapag sinabi ko. Wala ka nang magagawa do'n."
What the heck! Ikaw si Nigel?
"What's the deal, anyways?" Pagsingit ni Steven.
"Truth and dare."
"Dare," mabilis na sagot ko.
"No, truth AND dare." may diin do'n sa part na 'yon. Kapal ng muks!
"Fine." Napabuga naman ako ng hangin.
Ayy, bakit ako pumayag? Uto-uto ako?!
"Truth. Do you love each other?" tanong niya.
"Anong klaseng tanong yan?! Syempre oo!" aaminin kong nagsinungaling ako sa line kong 'yon.
"You're lying under your teeth."
Mind reader ka na ngayon?
"If you two really are a couple, kiss each other, then," utos nito.
Ano kami? Bold star?!
Bago pa man ako makapag react, tumigil yata ang oras sa relo dahil ang hindi ko namalayan, mabilis akong hinawakan ni Steven sa dalawang pisngi. At sa isang iglap lang, magkadikit na ang mga labi namin.
****
![](https://img.wattpad.com/cover/126431207-288-k270857.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Mystery / ThrillerMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.