MIANNA
Habang naglalakad, nag-uusap kami papuntang cafeteria. Nabanggit sa amin ni Timothy yung event na gaganapin sa lunes. Wala akong idea kaya nagtanong ako.
"Ano ba yung event na sinasabi ni Timothy?"
"Ah, oo nga pala hindi ko pa nababanggit sa'yo yung tungkol don. Mabuti pa, sa cafeteria ko na lang sasabihin sa'yo" sagot ni Aizel.
Napakunot noo na lang ako sa kanyang sinabi.
Sabihin ko kaya sa kanila ang mga narinig ko kahapon?
'Wag na lang siguro. Baka mas lalo pang lumala ang lahat.
Alam din kaya nila?
Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip.
Nandito na pala kami sa cafeteria at umupo sa usual seat kung saan kami umupo ni Aizel noon. Umorder na kami kaysa makipagsiksikan sa mga tao doong nasa pila. Yung iba ay nakikipagsiksikan pa. Lumapit sa amin ang isang waiter. Ayyy bakit kaya may pila tapos may waiter!?
Baka para sa take out?
"May I take your order, Miss, Mister?"
And ayun, umorder na kami ng pagkain.
Inabot na sa amin ang inorder naming pagkain at as usual, ampalaya with kalabasa na naman ang akin. Masarap kaya!
"Ganito kasi 'yon, Death Marathon ang event na gaganapin sa lunes." saad ni Timothy matapos inumin yung iced tea. "Tinawag itong Death Marathon kasi nga maraming estudyante ang namamatay dahil sa event."
"Tumatagal ito ng seven days at ginaganap ito once a year. Sa first day, magbu-bunotan na ng panagalan na kailangan mong kunin sa kanya ang kanyang name plate. Kukunin mo sa kanya 'yon sa mabuti man o sa marahas na paraan."
"Then from tuesday to saturday naman, simula na ng ibat-ibang uri ng paghuhunting sa bawat badge ng estudyante. At sa linggo naman ang points collection."
"Ten points ang kailangan mong makuha upang hindi ka mapasama sa gaganaping ritual sa lawa. Sacrifice kumbaga." muli siyang uminom ng iced tea bago magpatuloy. "Five points ang makukuha mo kapag nakuha mo ang badge ng iyong nabunot na pangalan. Five points din ang mawawala sa'yo kapag naiwala mo ang badge mo at two points naman ang makukuha mo kapag ibang badge ang nakuha mo."
May ganon ba talagang event dito? Ang dami namang keme.
"Pinapayagan ba talaga 'yon ng gobyerno?" tanong ko dahil kanina pa kating-kati ang dila ko sa pagtatanong.
Umiling siya.
"Sa kasamaang palad, hindi ito alam ng gobyerno. Itong buong lugar." sambit ni Aizel.
Kung hindi ito alam ng gobyerno, paano nalaman ni Tita ang lugar na to? Google maps? Hello!? Nasaan na ba mga magulang ng mga estudyante rito?
"Hindi talaga ganito ang sitwasyon noon. May anak dati ang Dean na si Madame Elizabeth Ferrer na si Nico na sa kasamaang palad, patay na. Ngayon, ayon sa sabi-sabi, nang malaman ni Madame Elizabeth na pinatay ang anak niya ng isang lalaki, itinago niya ang university na ito upang hanapin ang pumatay sa kanyang anak. Naniniwala pa rin siya na nandito pa hanggang ngayon ang taong 'yon—ang anak niya." mahabang paliwanag ni Aizel.
"May daan ba palabas? May mga sumubok?" tanong ko.
Umiling siya bago muling magsalita.
"Wala na, pero may isa raw babaeng nakahanap ng daan papalabas. Pero bago pa niya makalat ang impormasyon ay tuluyan na siyang ipinapatay ni Madame Elizabeth. Natatakot siyang makatakas ang pumatay sa anak niya. Ang hindi mabigyan ng hustisya."
![](https://img.wattpad.com/cover/126431207-288-k270857.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Misteri / ThrillerMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.