Chapter 19: In Danger

3.5K 111 12
                                    

MIANNA

Habang nagtuturo si Miss Arpia sa org chem na halos paulit-ulit lang naman ang itinuturo, Iniisip ko kung papaano ko makukuha kay Tiger ang badge niya.

Tumingin ako sa upuan ni Jolina at naalala na namatay na nga pala siya.

Alam ko na ang gagawin ko!

Wag na wag mong mamaliitin ang mga galawang Mianna Ascuncion!

"Ano yon!" sabi ko kay Tiger sabay turo sa kaliwa.

Yes! Kumagat siya sa plano!

Tumingin siya kung saan ako nakaturo at a-ambahang kunin ang badge niya. Chance mo na 'to girl!

Mabilis ang mga pangyayari dahil malapit na ang kamay ko sa badge niya pero bago ko pa man mahawakan man lang ay hinawakan niya ang kamay ko sa bandang pulsuan.

"Don't even try." malamig na saad nito sa akin na ngayon ay nakatigin na sa mukha ko.

Maganda 'yan! Wag ka!

Napalunok ako bago siya magsalita. "Try harder next time." dagdag pa niya bago idikit ang hintuturo sa noo ko at itinulak papalayo sa kaniya.

Bwiset!

Pa'no na 'yan!? Alam na niya na kukunin ko sa kanya ang kanyang badge.

Tumayo ako at nagpaalam kay Miss Arpia na pupunta akong banyo. Thank Lord na lang dahil pumayag naman siya. So ako, dali-daling umalis ng room.

Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang cr. May kalayuan pa ako sa cr nang maramdaman kong may sumusunod sa 'kin. Sana pogi. SANA POGI!

Nilingon ko kung sino 'yon at nakitang si Tiger na sumusunod.OO SI TIGER ENERGY DRINK!

Baka naman niya ako sinusundan?

Sige, mag-assume ka ulit, Mianna!

Ako si ganda, binilisan ko pa ang lakad ko at bumilis din ang lakad niya na parang tanga lang.

Ano ba?!

"Pwede ba wag mo nga akong sundan." kalmado kong saad bago ko siya nilingon.

Di nya ako sinagot bagkus nagpatuloy lang sya pa paglalakad nang hindi ako pinapansin. NILAGPASAN AKO!

Kahiya!

Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Eh paano ba naman kasi. Sa lahat ng tao talaga, si Tiger lang ang kilala kong daig pa ang hayop kung umasta!

Hindi ko alam pero ngayon, nauna na naulit ako sa kanya maglakad. Lumiko ako para lituhin siya. Baka kasi sinusundan na naman iako eh!

"Hindi diyan ang papuntang CR." dinig kong wika ng demonyo sa likod ko.

Napairap ako sa kawalan at dumaan na sa tamang daan at nakasunod parin siya sa'kin. Talaga naman!

O nandito na kami sa cr. Siguro naman ay di na nya ako susundan sa girl's comfort room. Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa isa sa mga cubicle.

"Ganito na pala ang pag ibig~" ewan ko pero biglang gustong kumanta ng utak ko. Naalala ko kasi 'yong favorite song ko dati. I forgot the title though.

"Aala-ala ka sa araw gabi. Sa pagtulog ko at sa pag gising, laman ka ng bawat dalangin~"

Pagkatapos kong kumanta at maglabas ng shenanigans ay binuksan ko ang pinto. Pagkalabas, tumambad agad sa 'kin si Tiger na nakangisi pa.

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon