AIZEL
Inihiga namin Timothy sa kanyang kama nang makarating kami sa dorm nila. Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon kaya mas lalo kaming nag-aalala.
"Kailangan natin siyang madala sa clinic sa lalong madaling panahon." sabi ni Mianna. Huminga nang malalim. Kinuha ang bandage sa sulok.
Umiling naman ako.
"Hindi pwede, Mianna. Walang nurse sa clinic kapag killing time. Alam kong alam mo rin na hindi ligtas ang clinic lalo na sa mga oras na ito."
"Pero kailangan nating magamot sa lalong madaling panahon ang mga sugat niya."
"A-anong nangyari kay kuya?" biglang singit sa usapan ni Freed.
"Mamaya ko na sasabihin sa'yo." sagot ni Mianna.
Mabilis na umalis ng dorm si Freed. Saan naman pupunta 'yon?
Agad ko agad ibinaling ang tingin ko kay Timothy.
"Aizel!" halos mapatalon pa ako sa gulat nang tawagin ni Mianna ang pangalan ko.
"Bakit?" mabilis na tanong ko nang ibaling ko ang aking pansin sa kanya.
"Kumuha ka ng ampicillin o kahit anong antibiotic sa clinic. Much better if makakita ka ng betadine." utos nito.
Mukhang alalang alala rin siya kay Timothy kahit hindi pa sila gaanong magka-close. Since may pinag-aralan si Mianna tungkol sa medicine, ay siya lang sa aming dalawa ang kayang pagalingin si Timothy.
Tumango lang ako at tumakbo papuntang clinic. Kailangan kong magmadali para walang mangyaring masama kay Timothy... at sa'kin.
Pagdating ko sa clinic, agad kong hinanap ang mga antibiotic sa medicine room. Ilang minuto rin akong naghanap pero lalo ko lang pinapasakit ang ulo ko. Wala akong makita!
Gosh, saan ako maghahanap no'n?
Tumayo ako sa pagkadismaya. Bagsak ang balikat na lumabas ako ng medicine room. Napabuga ng hangin.
Maya maya pa nang biglang sumulpot ang isang babae sa tabi ko. "Do you miss me?" tanong niya habang hawak ng kanang kamay nya ang isang puting medicinal bottle at itinaas hanggang balikat.
Antibiotic 'yon!
"Ibigay mo na sa akin na 'yang antibiotic, Nicole!" sambit ko bago unti-unting kumuyom ang kamao. Ugali talaga niya ang magmanipula ng tao.
"Do you need it?" nakangising tanong niya at kinuha ang isa pang antibiotic sa kanyang bulsa. "Oh, too bad, nauna ako. Hahaha!"
Ano 'yon? Bakit dalawa yung gamot? Is this some sort of her 'little games' again?
"Kamukha lang ito ng antibiotic pero, kabaligtaran ito ng epekto nito. Kilala mo naman ako, Aizel. Hindi ako basta basta tutulong sa inyo nang gano'n lang kadali. "mapanindak na sabi niya habang pinapaghahalo sa kamay yung dalawang white bottles.
"Pick one."pabulong niyang sinabi pero hindi mawala ang nakangisi niyang mukha na sobrang creepy tingnan.
Nanginginig ang buong katawan ko habang kumukuha ako ng gamot sa palad niya.
Tama ba ito? Hindi ba ito nakakalason?
Pa'no kapag mali ang nakuha ko? Siguradong mas mapapalagay sa peligro si Timothy.
Kumuha ako ng isa at dali-daling umalis. Sampalin ko nalang siya ulit kapag nagkita kami.
Ngunit hndi pa ako nakakalayo pamula sa clinic nang marinig ko ang malakas na evil laugh ni Nicole. Unti-unting nanginginig ang katawan ko sa sobrang nerbyos. Hindi ko na rin alam.
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Misteri / ThrillerMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.
