Chapter 37: A Night

2.9K 103 2
                                    


Mianna's POV

Nasa cafeteria na kami pagkatapos nung nangyari kanina sa labas ng cafeteria.

"Are you okay? Nakakatakot ka kanina Mia. May nangyari ba sayo?"tanong ni Aizel.

"Nothing."sambit ko bago humigop ng smoothie.

"Ikaw Jupiter, okay ka lang?napaaway ka daw kanina."tanong ko.

Tumingin pa sya kay Aiz bago magsalita.

"I'm fine, thank you for your concern."aniya.

Nguniti ako bago ko ubusin yung smoothie.

"Alam mo Mia, namimiss na kita. Kahit kanina ka lang nawala, miss na kita agad."sambit ni Aiz.

"Ako din naman Aiz, namimiss na din kita."sambit ko na ikinangiti nya.

"Pano na nga pala kayo ni Ivy, di ba amo mo yon?"tanong ni Aiz kay Jupiter.

Umiling si Jupiter bago magsalita.

"Hindi na, hindi na ako magpapaalipin sa kanya."

Maya maya pa habang kumakain kami ay may putok ng baril kaming narinig sa loob ng cafeteria.

Napatingin lahat ng estudyante dun sa taong nagpaputok ng baril.

Pinagbabaril nya yung dalawang estudyanteng nakaupo sa isang lamesa.

"Let's get out of this place!"sambit ko bago hablutin ang kamay nila palabas ng cafeteria.

Mabilis kaming umalis sa cafeteria at pumunta sa widespace.

Umupo kami sa isang bench para magpahinga.

Hindi na din kami masyadong natatakot dahil marami na kaming nasaksihang pagpapatayan sa lugar na 'to.

Nakatigin kami sa mga estudyanteng nagdadaanan sa harap namin habang nagpapahinga.

"Una na ako..."sambit ni Jupiter bago tumayo.

"Ako din pala. Sasabay na ako kay Jupiter tutal, malapit naman yung kanila sa 'tin eh!"sambit ni Aiz bago tumayo.

"Okay bye."nakangiting sambit ko.

"Ba-bye...."sambit nila bago naglakad papalayo.

"Ingat kayo!"sigaw ko.

"Ikaw din!"sigaw ni Aiz na tumingin pa sa akin.

Napangiti nalang ako at hinintay na mawala sila sa paningin ko.

Tumayo na ako at naglakad na pabalik ng dorm ni Tiger.

Nasa lobby na ako at medyo malayo pa papuntang dorm.

Biglang lumakas ang aura sa paligid na agad bumalot sa buong katawan ko.

Para bang napako na ako sa kinatatayuan ko ngayon. Feeling ko, may nakatingin sa 'kin.

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon