Mianna's POV
Kanina ko pa hinahalo itong kape sa pagka-ewan ko. Sinabi ko na din naman kay Tiger na dito na ako magstastay sa dorm namin.
Dito naman talaga... hehe.
Napalingon naman ako kay Aizel na panay ang pag babasa at pag susulat sa ewan.
Reviewer ata...
"May quiz ba?"tanong ko.
"Exam meron..."sagot nito.
Ha?
Halos mabaligtad na ako sa sofa nang marinig yon!
Putrages! Hindi ko alam!
Hinawi ko pa ang buhok ko bago tumayo at dali daling kinuha ang libro ko at gumawa ng reviewer katabi ni Aizel.
Di ko naman kasi alam na ngayon na pala yung exam.
Eh buset kasi yung mga sumugod eh! Kala mo mga lamok! Ang dami!
So ayun, nag mala-Joze Rizal ako dito. Puro basa, sulat at review.
AYOKO NA!!!
Aizel's POV
Kanina ko pa napapansin si Mia na ginugulo ang buhok kaiisip ng kung ano-ano. Tapos aayusin din naman.
"Ayus ka lang?"tanong ko kahit alam kong parang hindi.
Agad naman nya akong sinagot ng isang tango na may kasamang ngiti.
"Tara Aizel, labas muna tayo..."aya ni Mianna.
Tumingin ako sa wall clock ng dorm at nakitang 1:13 pa lang naman.
"San tayo pupunta?"tanong ko.
"Uhmmm... kahit saan. Magpapahangin lang naman e. Di kasi ako makapag-focus."
"Pag ikaw bumagsak—"
"Oo na, alam ko na yun!"
"Okie fine..."sambit ko bago kami tumayo.
"Saan kayo pupunta?"tanong ni Timothy na naka-kunot pa ang noo nang makarating kami ni Mianna sa harap ng pintuan.
Nilingon ko si Timmy bago magsalita...
"Dyan lang magpapahangin lang."sabay ngiti para with feelings.
Hindi na naman nya kami pinigilan at nagsimula na kaming maglakad lakad ni Mianna papuntang garden. Gusto ko kasing magpahingin don eh. May swing.
Mianna's POV
"Ang tagal na rin no?"napatingin ako kay Aizel nang sabihin nya ang mga salitang iyon.
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Mystery / ThrillerMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.
