Chapter 9: Trapped

5.1K 157 2
                                        

MIANNA

Kanina pa ako hindi mapakali kakaisip kung nag-aalala na sa akin si Aizel. Pero kung aalis ako rito, baka kung ano naman ang naka-abang na panganib na naghihintay paglabas ko.

So, ano na ngayon ang gagawin ko?

"Hayy! Ano ba yan!" sambit ko at saka nagpapadyak sa sofa.

Nagtapon ng masamang tingin sa'kin si Freed na akala mo'y may malalim na pinagdaraanan.

Ano naman ang tinitingin-tingin mo diyan? Sundutin ko mata mo, you want?

"Maliligo muna ako, 'wag na 'wag mong bubuksan ang pinto kahit anong mangyari. Are we clear?" ani nito na ikinatango ko na lang.

"I said, are we clear?"

"Oo na! Malinaw pa sa mineral water!" inis na sagot ko.

Kasi naman eh! Paulit ulit! Kainis! Yun lang pala ang sasabihin niya. Hayzt.

"Bored?" tanong ko sa sarili na parang takas mental dahil kinakausap ko ang sarili.

"Oo. Nakakabored talaga. Lalo na yung feeling na lutang na lutang ka dito sa dorm ng iba. O di ikaw na Mianna! Congratulations Mianna! Nasungkit mo na ang korona at sash ng award na reyna ng gala! Very good!"

Napatingin ako sa picture frame na nakalapag sa lamesa. Nilapitan ko ito at tinignan.

May isang bahay na second floor na sa pagkakaalam ko ay nakita ko na ang lugar na ito.

Pero saan? At saka...

Bakit parang walang tao? Hindi rin mukhang abandoned dahil maayos pa ang pintura sa labas.

Pilit kong tinignan yung picture na naka frame pero parang kahit i zoom ko pa yung mata ko dito wala akong makita.

Hay, sayang naman. Gusto ko pa namang makita kung may family picture sila. Binitawan ko na ito at muling umupo sa sofa.

Walang magawa!

Mga ilang minuto pa ang lumipas nang may kumatok sa pintuan dahilan para matigilan ako saglit.

"Coming!" masiglang sagot ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo at tinangkang bubuksan ang pinto. Ngunit papalapit pa lang ako sa pintuan nang lumabas banyo si Freed na basang basa pa.

Nu namang problema nito?

"Don't answer the fucking door!" sigaw niya at humarang sa pinto. Topless at tuwalya lang ang suot pang ibaba.

Sapak gusto mo?

"Basang basa ka pa tapos naka tuwalya ka lang nang pumunta rito para lang harangan ako?" sabi ko sa kanya bago magtakip ng mata. Owemji. Late na late. May abs—enebe.

"This fucking, are you real? ARE YOU FUCKING FOR REAL!? sabi ko 'wag mong bubuksan ang pinto!" bulyaw nito sa'kin.

Taray naman ni kuya daig pa si tita kung makapag taray e! O edi ikaw na!

Tinaasan ko siya ng kilay bago kami makarinig ng boses.

"Tao po," tanong ng isang pamilyar na boses.

Nanggagaling ito sa labas. At 'di na ako nag dalawang isip na buksan ang pinto. Bumungad sa'kin si Aizel na mukhang pagod na pagod. Pinapasok ko agad siya sa loob na parang ako ang may ari ng dorm habang si Freed naman ay nakatingin lang sa amin. Pinaupo ko siya sa sofa at saka pa lang pumuntang kuwarto yung isa. Mukhang magbibihis na siya. Feeling may-ari ng dorm peg ko.

Bloody University: The Last SectionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon