Chapter 3: The Darkest Hour

7.3K 213 17
                                    



 MIANNA

Nagsimula nang mamuo ang mga pawis ko sa noo. Last subject na namin ngayong araw ayon dito sa sched na binigay ni Aizel. Hawak ko pa rin pala yung librong hiniram ko kay Jolina kanina.

Flashback...

"Now, for your activity, choose your partner and we will have a written activity." Sambit ng prof sa unahan.

Nilapitan agad ako ng isang babaeng medyo may kahabaan ang buhok.

"Partner?" tanong nito sa akin. Nag-aalinlangan pa ako noong una pero napatango na lang ako.

Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin na agad ko namang tinanggap. Nginitian ko siya dahil nakangiti ito sa akin ngayon. Pilit. Mukhang mabait naman siya pero kailangan pa ring maging maingat ako.

Tinignan ko ang nameplate niya. Jolina Madrigal. Hindi siya miyembro ng kahit anong gangster group since walang siyang badge. Isa sa mga palatandaang sinabi sa'kin ni Aizel kagabi.

Nagsimula na kaming magsagot sa worksheet na ibinigay sa amin ng teacher namin. Hindi rin naman nagtagal nang ipinasa na iyon pagkatapos naming magsulat at magsagot. Hiniram ko kay Jolina ang libro na ginamit namin para pag-aralan.

Ilang minuto na rin ang lumipas nang ino-nounce na kung sino o sino-sino ang nakakuha ng perfect score.

"We got a tie!" anunsyo ng prof sa unahan na ikinapalakpak ng iba. Do I clap?

"First... Zyrine and Lance and..."

"Mianna and Jolina got the highest score!" napatayo kami ni Jolina na nasa unahan ko lang at nagtatalon na akala mo'y walang nakapalibot na estudyante sa amin.

Napansin ko ang tingin ng mga kakalase ko na nakakatakot. Weird Freaks.

"Pabida."

"Akala mo ay maganda, hindi naman. Hahahaha! Ayy anong connect."

"Papansin."

Mga bulong ng mga kaklase ko na akala mo naman, hindi ko naririnig. Napansin ko rin ang nakakamatay na tingin ni Tiger na ikakamatay ko talaga kapag tinitigan ko rin siya nang matagal. Rawr.

Saka ako umupo sa upuan ko.

End of flashback...

"Okay, that's all for today. Goodbye class. " wika ng prof namin bago nito nilisan ang silid. Nagsitayuan na rin ang iba sa mga kaklase ko.

Lumabas na rin ako nang umaliwalas ang paligid. Pagkalabas ko ay una kong nakita si Aizel. Mukhang nag-aalala siya sa akin.

'Wag assuming, Mianna.

"Are you okay?" malamig na tanong niya. Mukhang worried siya ngayon. Hindi siya masaya.

Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero since si Aizel lang kilala ko, siya na lang sasamahan ko.

Kinuwentuhan niya ako tungkol sa university upang may malaman at upang malibang na rin. Ang boring kasi talaga here actually.

"Tignan mo itong mapa, Mianna, dito yung clinic. Do'n 'yon sa may east side. Eto naman yung field tapos eto yung widespace na medyo malapit lang sa field. Tapos ito yung library. Tapos eto naman yung cafeteria kung saan tayo pupunta ngayon." mahabang paliwanag nito.

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon