Epilogue

4.1K 95 4
                                        

Mianna's POV

Sabay sabay na naming isinara ang gate ng Bloody University. Patunay lang na kami na ang last section.

Pagakatapos, bumalik na kami sa kanya-kanya naming tahanan.

After a month...

Timothy's POV

Kakababa ko lang ng kotse ko dala  dala ang chocolates at iba pang pagkain na ibibigay ko para sa kanya.

Pumunta ako sa gate nila at inayos muna ang aking kwelyo ng damit bago ko pindutin ang doorbell...

*ding dong*

"Sino yan?"narinig ko namang may sumagot kaya inayos ko ang porma ko.

Bumukas ang gate at nakita ko ang mommy ni Aizel.

"Uhmmm. Si Aizel po?"tanong ko.

Nakita ko namang ngumiti ng maluwag yung mommy nya kaya medyo napapangiti na tuloy ako.

"Ikaw ba si TImothy?"tanong nito.

"O-opo...."mautal-utal na sagot ko.


"Ay si Ayiz ba? Nasa loob sya. Tara pasok ka..."sambit ng mommy ni Aizel bago ako pinapasok sa gate nila.

Nauna syang maglakad at ako naman ay kasunod lang nya.

Excited na ako!

Pumasok na yung mommy nya sa loob at ako naman ay nasa labas pa rin.

"Ayiz! May bisita ka!"masayang sigaw nung mommy nya.

"Opo ma, nandyan na...."narinig ko na ng boses nya sa wakas.

Ano ba yan! Bakit ninenerbyos ako?!

Lumabas sya ng pinto at nakita ko ang magandang mukha nya.

Ang ganda nya...

Lumapit sya sa 'kin saka uli nagsalita.

"Tara na..."aya nya bagi nya ikawit yung braso nya sa braso ko.

Lumabas kami ng gate at pinagbuksan ko sya ng pinto sa tabi ng driver's seat.

"Thanks..."mahinang sambit nya bago sumakay sa loob ng kotse.

Isinarado ko na ang pinto at sumakay na sa driver's seat.

"Aalis na tayo?"tanong ni Freed na na nakaupo sa passenger's seat.

"Ano pa ba?"sambit naman ni Lucy na katabi lang ni Freed.

Narinig ko namang tumawa ni Aizel kaya napangiti ako...

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon