Mianna's POV
Iminulat ko ang mata ko at nakita ko abad ang mukha ni Aiz sa harap ko.
"Asan ako?"tanong ko.
"Nasa clinic ka ngayon, ano ba talaga ang nangyari? Bakit ka bumagsak nang ganun ganun nalang?"tanong ni Aiz na kakunot pa ang ulo.
"Nahihilo lang talaga ako non tapos ayun, nawalan na ako nang malay."sambit ko.
Bigla nalang sumara ang pinto na parang may lumabas.
"Sinong lumabas?"tanong ko.
"Si Tiger.."mahinang sambit ni Timothy na nakaupo sa sofa.
"Nandito sya?"
"Hindi mo nakita?"sambit naman ni Freed na nandito din pala.
Umiling ako bago magsalita.
"Ang alam ko lang ay nawalan ako ng malay."
"Sya kaya ang nagpakahirap magbuhat sa 'yo papunta dito."nakangiting sambit ni Aiz.
Ginawa nya yon?
Bumalik na kami sa dorm nang bumuti na ang kalagayan ko.
*next day*
Pumasok na kaming apat sa room at umupo na ako sa upuan ko.
Masyado pang maaga kaya sina Tiger at Lyon lang ang naabutan namin don.
Pumunta akong likod para mapag isa. Ayoko na ng gulo. Tumatakbo pa rin sa isip ko yung killer na isa ring sakit sa ulo.
"Are you okay?"sambit ni Lyon na nasa tabi ko na pala.
Mahina akong tumango bago nya ako abutan ng tinapay.
"Para sa 'yo. Pantanggal stress."sambit nito.
Nginitian ko sya at kukunin na bale yung tinapay pero kinuha ito ni Tiger at itinapon kung saan.
"What the...."halos mapamura ako sa galit dahil sa ginawa nya.
Ano na naman bang nakain ng isang to!
Sinamaan ko sya ng tingin.
Mabusong ka sana!
"Wag mong kainin yan, malalason ka lang dyan."sambit nito bago iabot sa akin ang tinapay na katulad lang din nang ibinigay sa akin ni Lyon.
Hindi ko na ito kinuha at bumalik na sa aking upuan.
"Bakit ka umalis?"tanong ni Tiger bago umupo sa tabi ko.
Di ko na sya pinansin pa at bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwal noon si Jupiter na hindi yata nag suklay. Gulong gulo ang buhok nito.
Hagard na hagard!
Napasulyap ako kay Tiger na nakapoker face na ngayon.
Binuksan ko ang backpack ko at nagkalkal hanggang sa mahanap ko yung suklay kong inilagay ko kanina sa backpack ko.
BINABASA MO ANG
Bloody University: The Last Section
Mystery / ThrillerMake your own choice. To kill? Or to be killed? Whatever the consequences of your decision will be, it's always your choice. Date started: October 16, 2017 Date finished: December 29, 2017 Mystery/Thriller/Teen fiction.
